Title:
12:01
Author(s): Russell Molina, Kajo Baldisimo
Publisher: Adarna House
Published date: 2016
ISBN: 9789715085984
Language: Filipino
Genre: Historical Fiction, Graphic Fiction, Filipino Comics, Filipiniana
Gunitain ang isang parte ng madilim na nakaraan sa ilalim ng Martial Law na mababasa sa one-shot komiks ni Russell Molina at Kajo Baldisimo.
Author(s): Russell Molina, Kajo Baldisimo
Publisher: Adarna House
Published date: 2016
ISBN: 9789715085984
Language: Filipino
Genre: Historical Fiction, Graphic Fiction, Filipino Comics, Filipiniana
Gunitain ang isang parte ng madilim na nakaraan sa ilalim ng Martial Law na mababasa sa one-shot komiks ni Russell Molina at Kajo Baldisimo.
12:01 Front Cover |
12:01 Rear Cover |
Ang "12:01" ay isa lamang sa istorya sa maraming pang-aabuso noong panahon ng Martial Law na ipinatupad ng diktador na si Ferdinand Marcos. Kuwento ito ng mga magkakaibigan na inabutan ng curfew dahil sa nasira nilang sasakyan. Ito yung mga panahon na hindi ka sasantohin ng mga nagpapatupad ng batas kahit aksidente pa ang kamalian mo tulad ng paglagpas sa curfew.
Ang isa sa madilim na kasaysayan ng Pilipinas, ang Marcos' Martial Law, ay nagsimula noong Septiyembre 23, 1972 sa deklarasyon ng nasabing diktador. Hanggang sa masipa siya sa pwesto noong Pebrero 1986 dahil sa People Power Revolution.
Para sa mga tinatamad na magbasa ng all-text na libro, marahil sa pagbabasa ng komiks kayo sipagin ;)
Iminumungkahi ko na tangkilikin natin ang mga ganitong uri ng babasahin tulad ng "12:01". Nang sa gayon ay nababalikan natin ang nangyari noon. Na mabasa ang kasaysayan natin sa pamamagitan ng komiks.
Ang puntos ko sa komiks na ito ay:
4.0 /
5.0
Sana'y nagustuhan ninyo ang aking rebyu.
Salamat!
-
Otakore Literantadodist
September 22, 2020
Reference:
Martial Law under Ferdinand Marcos, wiki - https://en.wikipedia.org/wiki/Martial_law_under_Ferdinand_Marcos
No comments:
Post a Comment