Title: Dispareo I
Author: Serialsleeper / M. Apdian / Bambi Emanuel
Serye Bilang: 1
Published date: September 12, 2018 (?)
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
ISBN: 9786214141333
Language: Filipino
Genre: Horror, Gore, Fiction, Thriller, Slasher
Buy Link: http://psicom.ocnk.biz/product/1285
' ? ' - para maitama ang eksaktong petsa ng pagkalimbag, maaaring kontakin ang may-hawak ng pahinang ito sa sumusunod na link: https://www.literateknolohitura.com/p/contact.html
Nakuha ng pamalat ng librong ito ang atensyon ko, kaya ko siya binili. Mahilig kasi ako sa mga horror genre, yung mga zombies, at malinaw naman sa pamalat na may kinalaman ito sa nasabing dyanra.
To read the full review, continue scrolling down or click the 'Read more'...
May kakapalan ang libro at mahaba ang bawat kabanata. Pero hindi siya nakakasawa at hindi rin nakakapagod basahin dahil kawili-wili ang nilalaman ng karamihan sa kabanata. Ma-aksyon, madugo, at bayolente kasi ang mga pangyayari. May parteng drama, pero hindi ganoon ka-babaw, maganda ang pagkakabalangkas sa istorya.
Strong points ko para sa Dispareo, ay ang pagiging detalyado ng may-akda. Magaling ang paglalahad niya sa turingan ng dalawang tauhan, na sina Cielo at ang kaniyang bestfriend na si Dana/Diana. Maganda ang pagbalangkas niya sa kung bakit namuo ang hidwaan ng dalawa at ang nakaraan kung bakit humantong sa ganoong turingan. At yung mga katanungan sa kabanata, hindi naiwan, matagumpay na napagtagpi-tagpi at nasagot ang mga iyon sa sumunod na mga kabanata. Ang inventive, at mabusisi talaga ang pagkakabalangkas sa istorya.
Napanindigan rin ng Dispareo I ang dyanra ng Gore, Horror, Thriller, at Slasher. Madugo at bayolente ang karamihan ng pangyayari sa kuwento. Masasabi kong akma na ito sa mga mambabasa na may edad 13 pataas. Siyempre, sa genre na ito, asahan ang mga bayolente at madugong eksena. At lalong-lalo na, importante, paalala ko lang sa mga kabataang magbabasa, na kathambuhay lamang ito at huwag gawin ang mga bayolenteng aksyon sa totoong buhay.
Siyempre, kung may strong points, may weak points. Ito yung mga napuna ko - ang labis na pag-gamit ng salitang 'singhap' at 'tumitig sa kawalan'. Mauunawaan ko kung sa isang tauhan lang siya nangyayari na maaaring usual o natural feelings niya ang pag-singhap kapag napapagod, pero napansin ko rin ito sa ibang tauhan na 'napasinghap'. Ayon sa depinisyon1, napapasinghap ang tao dahil sa pagod (nauubusan ng hininga / hinihingal). May pagkakataon sa kuwento na tama ang pag-gamit ng nasabing salita, at may pagkakataon na nao-overdefined ito at hindi akma sa reaksyon ng tauhan. Sa halip, maaaring gamitin ang mga kaugnay na salita na may kinalaman sa pagkatakot tulad ng - sindak, bigla, matinding dagok, wumwasak, atbp. At yung 'tumitig sa kawalan', maari rin gumamit ng alternatibo tulad ng 'nawala sa kamalayan', 'nawalan ng ulirat', 'nawala sa kamunduhan', atbp. para hindi kapansin-pansing paulit-ulit.
Isa pang napuna ko ay ang teksto ng pangalan ng may-akda sa harapang pamalat. Una mang nakuha ng librong ito ang atensyon ko dahil sa cover art, ang off naman ng pagkaka-align ng pangalan ng may-akda sa front cover.
Dagdag errata: may isa akong nakita na typo error at double words, ibabahagi ko sana, kinuhanan ko kung saan, kaso nawala yung photo sa phone ko kung saang pahina yun. Hanapin niyo na lang bago mag-2nd print (kung nababasa man ng Editor ng libro itong rebyu).
Gayunpaman, pasado ang score ko sa librong ito. Mas matimbang ang strong points, at ang mismong istorya kaysa sa weak points. Nagandahan ako sa estilo ng kaniyang pagsusulat at sa kaniyang pagiging mabusisi sa pagbalangkas ng istorya. Di ito gaya ng ibang Wattpad-based published book na nabasa ko, walang naiwan na loophole sa istorya. Pero siyempre, may kasunod ito, dala na rin ng pamagat, kung may I, may II, III, ...
Ang grado ko sa Dispareo I ay: 3.5 / 5.0
Rating guide v.1.0: (1) - did not like it or beyond poor / (2) - poor; (2.5) - okay / (3) - i like it; (3.5) - i really like it / (4) - very good; (4.5) - close to God mode / (5) - has a great impact to readers +ULTRA!
Salamat!
-
Otakore Literantadodist
October 17, 2018
Reference:

- [1] singhap, dep.
- Dispareo I, Goodreads - https://www.goodreads.com/book/show/42346806-dispareo-i
No comments:
Post a Comment