Monday, September 16, 2019

Book Launch: Moymoy Lulumboy Book 6 Ang Ugat At Ang Propesiya

Inilabas noong Septiyembre 13, 2019 ang mga bagong libro ni Segundo Matias, Jr., ang pangunahing aklat niyang Moymoy Lulumboy at dalawa pang librong pambata. Ang nasabing pangunahing aklat ay ang ika-6 na libro sa serye na pinagbibidahan ni Moymoy Lulumboy. Pinamagatan itong "Ang Ugat at ang Propesiya".

new books 2019 by segundo matias jr


Tila naging tradisyon na ang paglabas ng bagong libro ni Moymoy Lulumboy tuwing ginaganap ang Manila International Book Fair tuwing Septiyembre ng bawat taon. Pero sa pagkakataong ito, sabay ring inilabas ng may-akda ang dalawa niya pang mga librong pambata: ito ay ang "Angelica: Ang Multo ng Balete Drive" at "Moñito: Ang Mabait na Demonyo".

angelica ang multo ng balete drive front cover
Angelica Ang Multo ng Balete Drive (front cover)

monito ang mabait na demonyo front cover
Moñito Ang Mabait na Demonyo (front cover)

Nagkaroon ng munting pagsasalaysay sa bawat nasabing librong pambata (para sa "Angelica" at "Moñito"). At sa salaysay pa lamang ng punong-abala ay masasabi kong nakaka-aliw ang kuwento ng dalawang libro. Sa sumunod na programa, tulad ng nakagawian ay nag-presenta ang mga batang miyembro ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ng isang maikling dula tungkol sa bagong kabanata ng Moymoy Lulumboy: Ang Ugat at ang Propesiya.

Para sa karagdagang larawang kuha noong Moymoy Lulumboy book 6 launching, bisitahin ang aming Album mula sa aming pahina sa FB:


Mabibili ang mga bagong libro ni Segundo Matias, Jr. sa major bookstores sa susunod na mga linggo. Una itong maipapakalat sa Precious Pages bookshops.

Para sa mga katanungan tungkol sa mga librong ito, bisitahin at mag-iwan ng mensahe sa Facebook page ng Precious Pages Corp. - https://www.facebook.com/PreciousPagesCorp/

Salamat! :)


#MoymoyLulumboy6 #MoymoyLulumboyBook6 #MoymoyLulumboyAngUgatAtAngPropesiya #AngelicaAngMultoNgBaleteDrive #MoñitoAngMabaitNaDemonyo #MonitoAngMabaitNaDemonyo


Babala sa mga mangongopya: ito'y orihinal na nilalaman, huwag i-article spinned at i-repost. Maaaring ibahagi pero huwag kopyahin at angkinin. Salamat po!