Title:
ALAS - Maiikling Kuwento
Author:
Juan Bautista
ISBN:
9786214141098
Publisher:
PSICOM Publishing Inc.
Published date:
2018
Language:
Filipino
Genre:
Fiction,
Dark,
Adult Fiction,
Society,
Filipiniana
Website: https://juanbautistastories.com/
ALAS ni Juan Bautista (Front Cover) |
ALAS (Table of Content) |
ALAS (book spine) |
ALAS (rear cover) |
Nagagalak ako at nadiskobre ko ang aklat ni Juan Bautista mahigit tatlong taon na ang nakakalipas. Una kong nabasa ang likha niyang "Ang Bagong Krusada" noong taong 2017 na nilimbag rin ng PSICOM. Maaari mong mabasa ang rebyu ko sa aklat niyang iyon sa ibaba:
https://www.literateknolohitura.com/2017/12/ang-bagong-krusada-ni-juan-bautista-book-review.html
Bihira pa naman ang mga libro na may pagka-mature ang genre na gawa sa wikang Filipino. Buti na lang at nakakagawa siya ng mga bagong-labas na libro tulad nitong ALAS.
Sa aklat niyang ALAS na naglalaman ng 25 na mga maikling kuwento, mababasa niyo ang realidad ng buhay na sumasalamin sa kasalukuyan, sa nakaraan, at maging sa hinaharap. May mga kuwento na nakakaantig, may madilim, may nakaka-suklam, may hiwaga, may kumikwestiyon sa moralidad, at kuwento na nagbabadyang mangyari sa ating hinaharap.
Walang kuwento sa ALAS na hindi ko nagustuhan. Nagustuhan ko ang andar ng ilan sa mga kuwento na nabubuhay o nagkakatagpo sa isang sandaigdig. May kuwento na nabibitin ako at ninanais ko sa may-akda na sana'y gawing nobela ang "Lorbas" na natutukan kong basahin. At maisa-nobela rin sana ang mga istorya na umiikot sa iisang tagpuan tulad ng Bright Lights.
Sa kalahatan, bibigyan ko ang ALAS sa puntos na:
4.0 /
5.0
May ilan lang na typo errors na maaaring maisa-ayos sa susunod na edisyon o panibagong printing.
Maaari niyong mabili ang librong ito dito sa link.
Sana'y nagustuhan ninyo ang munting rebyu na ito.
Salamat!
-
Otakore Literantadodist
August 18, 2020
No comments:
Post a Comment