Thursday, April 17, 2014

Wickedmouth - Unang Putok ni Glenn Tabarejos

Pamagat: Wickedmouth
Pangalawang Pamagat: Unang Putok
May-akda: Glenn Tabarejos
Limbagan: BHM Publishing
Petsa ng Pagkakalimbag: 2013
Kalidad ng Pagkakalimbag: Maganda
ISBN: 978-971-95188-2-2
Halaga: 200.00 pesos
Akma sa Edad ng Mambabasa: 18+

Nagustuhan ko ang pagkakaguhit sa pabalat ng librong ito. Ang gumuhit ay si Al Estrella o Mots ng Teacher's Pwet blog.
wickedmouth unang putok front cover
Wickedmouth - Unang Putok Front Cover
Bibigyan puntos ko rin ang paglalagay nila ng Parental Advisory Explicit Content badge sa librong ito bilang babala. At di ko sinasadyang naiwan kong pakalat-kalat sa bahay namin ang Unang Putok at nabasa ng aking pamangkin na nasa 12 taong gulang. (buti na lang, wala pa siya sa kalahati)
wickedmouth unang putok rear cover
Wickedmouth - Unang Putok Rear Cover
Una kong nadiskobre ang blog ni Glentot noong nakaraang taon sa isang pooksasapot na nakasapot sa isang komento sa blog na natagpuan ko sa sanggunian ng mga blog mula sa BlogNgPinoy.

Hinanap ko ang librong ito sa Filipiniana / Filipino Literature at di ko mahanap kaya't itanong ko ito sa 'miss' dun sa National Bookstore - Megamall...

   Ako: (nag-inquire ako sa Customer Desk). Miss may "May Unang PUTOK kayo?"
   Miss Nat'l: Ha?!
   Ako: Unang PUTOK. Author nun si Glenn.
   Miss Nat'l: (nakakunot yung noo) Tagalog ba yung libro?

Nabastusan yata sa akin dahil sa matigas na pagkakabigkas ko ng "PUTOK" hahaha.

   Ako: Oo... yata.
   Miss Nat'l: (nag-type siya sa kompyuter para hanapin)

Pinayuhan niya ako na maghintay at kanyang kukuhanin ang aking hinahanap.

Siya'y bumalik at ibinigay sa akin ang Wickedmouth. Yey!

Tulad ng sinabi ko, nadiskubre ko ang blog ni Glentot noong nakaraang taon lamang sa Wickedmouth at nang mabasa ko ang Unang Putok, ako'y tumawa at may hindi rin nagustuhan sa ilang kabanata ng kanyang libro partikular sa kabanata kung saan di niya tinulungan yung kaklase niyang natatae HAHAHAHAHA (spoiler alert)

Ito yung tipo ng libro na may hindi ka magugustuhan dahil may masamang ginawa si Glentot pero kahit di mo nagustuhan at masama yung ginawa niya, tatawa ka pa rin dahil nakakatuwa yung mga pinag-gagawa niyang ka'trip'an.

Kung ikaw ay nalulungkot, nalulumbay, nakatitig sa kawalan at nasa wasting gulang, inirerekomenda ko ang aklat ni Glentot!

Salamat!

3 comments:

  1. Maraming salamat sir!!! Buti natuwa kayo sa nabili nyo hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman. Aabangan ko ang pangalawa mo'ng aklat.

      Salamat!

      Delete
  2. Ayos 'yang si idol Glentot. Mabait at tahimik sa personal. Walang part sa book niya ang hindi ko nagustuhan. Siguro dahil pagkapilyo rin ako. ;)

    Tama, sana may sequel na.

    ReplyDelete