Pamalat Bungad
Likuran
Pamagat: Barriotic Punk - Mga Kuwento sa Baryo at Kanto
May-akda: Mes De Guzman (Ramon De Guzman)
Naglimbag: The University of the Philippines Press
Taon ng Pagkalimbag: Unang Limbag (2002), Pangalawang Limbag (2005)
Edisyon: U. P. Jubilee Student Edition
ISBN: 971-542-366-3
Anong Kwento ang Kapupulutan sa Librong ito?
Mga kwentong baryo at kanto. Baryo, yung tipong kwentong galing sa rural na lugar. Probinsya baga. Yung kanto, e di kwento sa labas, literal - sa kanto. Ang tinutukoy kong kanto, yung, ganito na lang, isaimahe mo na lang na maraming adik sa kanto niyo at kung may nabalitaan ka sa kapit-bahay mong putak ng putak na may kabit si ganto, tinuhog si nene, puta si Magdalena, nagsa-shabu si Carding - ganoon ang istoryang kanto. Nota: alam kong may kanto rin sa Forbes Park pero iba yung tinutukoy dito.
Ang tema at estilo ng pagkakasulat sa mga kwento ay malayo sa karaniwang kwento na matatagpuan sa lumang aklat ng panitikan. Modernong estilo ang pagkakasulat na karaniwan nang mababasa sa ating panahon.
Kakat'wa nga't tipong nakakaunawa ako sa mga kwento, marahil siguro may mga karanasan ako na maisasarelasyon ko sa kwento. May kwentong maaksyon, kwento'ng trabahador, kwentong pankistang bulok, kwentong retro at iba pa.
Di pamilyar at di popular sa akin ang pangalang Mes De Guzman pero sasabihin kong naging interesado ako sa libro niyang ito nang matapos kong basahin.
Tanong sa akin: Paano ka nakakadiskubre ng ganitong mga klaseng aklat?
Natauhan kasi ako na di lamang National Bookstore ang natatanging tindahan na bilihan ng aklat. Subukan nating magsaliksik. And'yan ang Solidaridad Bookshop sa Padre Faura, Manila. Bookay Ukay sa U. P. Village, U. P. Diliman, Quezon City. At sa mga ispesyal na tindahan ng aklat sa mga yunibersidad.
Tanong ulit sa akin: Paano yan, sa kalakhang Maynila lamang pala yan pwedeng matagpuan, e nasa municipalidad ng Ampatuan, Maguindanao ako?!
Tutal, nag-o-onlayn ka rin lang ngayon, pwede mo siyang mabili rito -> http://uppress.com.ph/
_____
At sa iba pang paniniyasat ko sa mga interesanteng aklat tulad nito, abangan at laging bumisita sa Literateknolohitura!
Salamat.
Hanggang sa Muli!
meron bang nabibiling ebook nito? gusto ko kasi ebook nalang.
ReplyDelete@Rocky Batumbakal ~ hindi ko mairerekomenda ang pagtangkilik sa elektronikong aklat kung ito'y Filipino o anumang lokal na limbag. Kawawa naman ang mga pilipinong manunulat, konti na lang ang kinikita nila at lalong mamamatay ang kanilang industriya.
ReplyDeletePara di sayang ang pagbalik mo rito, may isusuhestyon ako:
http://absurdrepublic.blogspot.com/
Maisisipi mo ng libre ang elektronikong aklat na Gerilya at Mondomanila sa itaas na pooksasapot.
Salamat.
okay lang sakin ang magbayad, kung meron sanang nabibiling ebook, yun nalang. pero kung wala, bibili nalang ako ng mismong libro.
ReplyDelete@Rocky Batumbakal ~ Paumanhin sa aking pagkahudimental. Salamat sa iyong pagbalik at tugon. Ako'y nalinawan.
ReplyDeletehahaha. napakalufet
ReplyDelete