Sunday, September 30, 2012

Rebyu sa Komik: Kikomachine Komix Blg. 04 ni Manix Abrera

Book Title: Kikomachine Komix Blg. 04
Sub Title: O Kaligayahang Walang Hanggan Yeh!
Author:
ISBN: 9719257466
Language: Filipino
Published by: VisPrint, Inc.
Book Format: Mass Market Paperback
First Printed:
Genre: Comics Strip
Intended Audience: Edad 12 Pataas

Unang Pabalat ng Kikomachine 4

Unang Pahina ng Kikomachine 4

Likurang Pabalat ng Kikomachine 4

"Umiiyak ang Pabalat Pero di Nakakaiyak"
Nirebyu ni:
Puntos: 5 Tala

Mahirap gumawa ng rebyu 'pag ang nirerebyu mo ay comic strips, iba't-iba kasi ang balangkas ng istorya. Kung tutuusin, di na kailangan ng isang pagsusuri sa Kikomachine komix, sapat na ang opinyon na "napatawa" ako ng librong ito sa kahuli't-hulihan ng aking pagbabasa - naks ang drama.

Pero dahil naglalayon ang Literateknolohitura na paunlarin ang ating sariling panitikan para isulong ang pagmamahal sa sariling-atin, ipagpapatuloy pa rin namin ang pagsusuri sa aklat na ito :-)
Maliban sa pabalat ng komiks na pwede mo'ng gawin maskara (tingnan ang nakakahiya kong larawan sa baba) ay talaga namang di mo malalagpasan ang pahina ng di nakangisi at o itsurang nako'corny'han.


Kikomachine 4 Ginawang Maskara ~__~

Matutunghayan sa Kikomachine Bilang Apat ang sumusunod na mga isyu sa ating lipunan at isyung personal ng "kanilang buhay" - yung mga karakter na walang pangalan.

  • Panahon kung saan ipapatupad na ang e-VAT.
  • May pagka-politikal, ito yung panahon na nagsinungaling si Pangulong Arroyo ("I'm sorry.")
  • Stalking
  • Selos
Hanggang dito na lamang.

Hanggang sa muli!

Salamat.



2 comments:

  1. ang kyut naman LOL uhmm hanggang cover lang ba ang pwedeng picturan? Yung loob hindi pwede?

    ReplyDelete
    Replies
    1. You mean the mask-like cover? I feel the embarrassment hahaha

      Thanks for dropping by :)

      Delete