Quantum Meruit Front Cover |
Author: Charmaine Lasar (justmainey)
ISBN: 9786214140107
Publication: PSICOM Publishing Inc.
Publication date: 2016
Language: Filipino
Genre: Horror, Thriller, Mystery, Filipiniana
Buy Link: https://shopee.ph/Quantum-Meruit-i.56563909.950488564
(Click 'Read more' or continue scrolling to view full book review)
Advertisement:
Quantum Meruit Rear Cover |
Mataas ang expectation ko sa librong ito dahil sa titulo ng may-akda bilang Palanca Award Winner. Maganda naman ang umpisa hanggang sa may hinahabol-habol ako sa mangyayari. Naibigay naman ng may-akda ang gustong habulin ng mambabasa pero ambabaw kasi ng realization sa misteryong nangyari.
Na-digs ko naman ang aralin ng kuwento, na wag tayo maging padalos-dalos sa pag-gamit ng Social Media. Ipinakita sa mga tauhan ang insecurities, anxiety, paranoia, social issues, mga sikolohikal na nararanasan ng mga tao kahit pa sa totoong buhay.
Dun sa 'hacking' part, pasensya na, sa IT industry ako e, hindi ko sinasabing palpak yung tauhan pero mahina yung proof sa pagka-hack niya kung ibabase sa totoong buhay. Since fiction naman, pinalagay ko na lang nagawa niya talaga yun, di naman kailangan detalyado. Pero kahit sinong nagtatrabaho sa IT Security, basahin yung part na yun, mapapailing e.
Sabi ko nga kanina nabababawan ako sa realization ng tauhan sa misteryong nagaganap sa libro. Hindi ako napa-mind blown, ang reaksyon ko lang e - "okay, fine". Lalong lalo na dun sa "Quantum Meruit", parang idinikit lang talaga sa libro para makakuha ang atensyon ng bibili. Sa totoo lang nakuha ng pamagat ng librong ito ang atensyon ko, na-curious ako e, sabi ko mukang promising ito dagdag pa ang titulong Palanca Award Winner pero iba ang inasahan ko.
Sa ilang nabasa kong libro na nakakatakot, siguro ang challenge na kinakaharap ng may-akda e kung paano niya tatakutin yung mambabasa. Sa ilang librong nabasa ko, iilan lang rin ang matagumpay na patayuin ang aking balahibo. Sa Quantum Meruit, may eksena na paranormal, kung babasahin e, wala yung nakakatakot na feeling. Kung isasapelikula baka may pagkakataon na matakot ang audience dahil sa idadagdag nilang Visual Effects pero sa librong ito - hindi. Kung di man matakot, kahit sa thriller part o kaya sa mystery part, napabilib niya ako pero hindi e. Wala ako makitang strong point alin man doon.
Bandang huli na eksena, may pagka-brutal. Pwede pala niya lagyan niyon, bakit dun lang sa huli? Kung dark genre lang, dapat nilubos-lubos niya na. Yung ibang parte dapat kinwentuhan niya na ng ganoon para tumatak sa audience ang Quantum Meruit na talagang nakakatakot na libro. At least man yun, maging strong point ng libro.
Na-hooked ako sa umpisa eventually nababawan talaga ako kaya ang grado ko sa librong ito ay:
3.5 / 5.0
Hindi na masama ang gradong iyan.
Salamat!
-
Otakore Literantadodist
June 03, 2018
No comments:
Post a Comment