Showing posts with label Wattpad. Show all posts
Showing posts with label Wattpad. Show all posts

Friday, April 5, 2019

Coverage of 2019 PHR Grand Fans Day "Dito Ka Masaya!"

Ginanap ang PHR Grand Fans Day 2019 nitong huling linggo lamang noong Marso 30, 2019 sa The Space, 4th Floor JRich Building, 16 Sto. Domingo Avenue, Quezon City. Bago magsimula ang malaking event binigyan muna ng pagkakataon ang mga may-akda na ibida ang kanilang mga libro sa pre-event launch.

phr grand fans day 2019 main stage

Kabilang sa mga humarap ang mga bigating manunulat ng Precious Hearts Romances (PHR) at kabilang na rin ang mga authors na nagmula sa pagsusulat sa Wattpad:

phr and wattpad authors grand fans day 2019
Top-left to right: XavierJohnFord (W), MsButterfly (W), C.D. De Guzman (W), Lush Ericson (PHR), Luna King (PHR), Segundo Matias, Jr. (School Principal.. charot; President, PHR)
Bottom-left to right: Sofia (PHR), Princess Cordova (W), Jian (W), Rose Tan (PHR)
Note: (W) - Wattpad Author, (PHR) - Precious Hearts Romances Author, (President) - Boss

Lubusan silang kilalanin, bisitahin ang Facebook Album sa ibaba para sa kanilang profile at karagdagang detalye tungkol sa kanilang bagong libro:


Matapos ang pre-event Q&A sa mga authors, mabilis na dinagsa ng mga fans ang venue simula ala-1 ng hapon, pagdating ng main opening ng event:

activities for fans phr grand fans day 2019

crowd of fans attending phr grand fans day 2019

Siyempre, hindi lang sila nagpunta sa event para manood, may mga masasayang activities rin na inihanda para sa kanila na may tumatagingting na pa-premyo:

phr grand fans day 2019 entrance

game activities phr grand fans day 2019

Nabigyan ng pagkakataon ang mga fans na magpakuha ng litrato kasama ang kanilang mga iniidolong authors at mapirmahan ang kanilang mga libro.

Para sa mga kuhang litrato ng naturang PHR Grand Fans Day 2019, bisitahin ang Album sa ibaba at ang kanilang opisyal na Facebook page:


Sana'y nag-enjoy kayo. Para sa hindi nakadalo, sisiguraduhin mong makakadalo ka na sa susunod na taon.

Salamat! :)


Related Read:

#MakeItPrecious #DitoKaMasaya #PHRGrandFansDay2019 #PreciousHeartsRomances #PHR #PreciousHeartsRomancesGrandFansDay2019

Sunday, February 18, 2018

Book Review: Project Loki, Volume 1, Part 1 by AKOSIIBARRA | Wattpad Book


Advertisement:
Lazada Philippines


project loki vol 1 part 1 front cover artTitle: Project Loki, Vol. 1, Part 1
Author: a.k.a.
ISBN: 9786214140824
Publisher: Psicom Publishing Inc.
Published date:
Language: Filipino
Genre: Mystery, Crime, Fiction


project loki vol 1 part 1 rear cover artproject loki vol 1 part 1 opening page



Mystery at Crime ang genre ng aklat na ito inspired by Sherlock Holmes. You know Sherlock Holmes, he solves the mystery of the crime. Kung di ka pamilyar kay Sir Arthur Conan Doyle na may-akda ng Sherlock Holmes series, kung pamilyar ka kay Detective Conan, e para sa iyo ang aklat na ito.

Kung seryoso kang mambabasa, maipapayo ko lang na huwag mong basahin ang librong ito nang literal o kaya po ay wag mo na lamang po basahin. May mga eksena kasi sa libro na imposibleng mangyari sa totoong buhay o kaya naman mga reaksyon na dapat ibigay ng mga tauhan pero hindi nila ibinibigay. Nasabi ko ito dahil may mga parte sa istorya na dapat tumawag sila ng pulis, o kaya dapat kasuhan ng arson yung isang karakter pero wala. At ang weird pa, may mabibigat na krimen na nangyayari sa campus pero business as usual pa rin sila. Ni mga relatives nga nung mga biktima parang walang alma, sa dami nila, di mararamdaman na may complaint against sa school. Talaga sigurong ganoon, para maakit yung target audience na mga Young Adult at hindi ang mga Mature audience.

Dahil gusto ko ang istorya ni Sherlock Holmes, bibigyan ko naman nang konsiderasyon at magandang puntos ang nobelang Project Loki. Tutal maayos naman mag-sulat ang may-akda ng Finglish (Filipino/English).
Kaya ang puntos ko dito sa librong ito ay: 3.5 / 5.0

Salamat!

-




Saturday, August 19, 2017

Book Review: Hell University, Part 1 by KnightInBlack

hell university part 1 front cover artTitle: Hell University, Part 1
Author:
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Date Published:
ISBN: 9786214140756
Genre: Horror, Thriller, Dystopian Fiction
Language: Filipino
Format: Paperback

Nang dahil sa binasa kong "Librong Itim" (see previous book review about Librong Itim Vol. 1 & 2), na-miss ko kasi magbasa ng mga nakakatakot na libro. Naalala ko yung True Philippine Ghost Stories na serye na limbag ng PSICOM. Natuklasan ko na may online store ang PSICOM sa http://psicom.ocnk.biz/ at nakita ko na mahigit 30+ serye na pala ang TPGS. Yung huling limbag nila ang binili ko kasi nagtitipid ako. Yung TPGS Spookify na lang yung pinili ko. Siyempre hindi lang yun binili ko para hindi sayang yung shipping. Sinubukan ko yung iba nilang item at ito yung nakita ko sa top ranking item nila - Hell University! May dating yung pamagat. Nag-quick research ako at natuklasan ko na base ito originally from Wattpad story na sinulat ni KnightInBlack.

Ang haba ng paliwanag ko. Basahin mo na lang po ang aking book review sa ibaba.

(continue scrolling or click 'Read more' below)