Saturday, August 19, 2017

Book Review: Hell University, Part 1 by KnightInBlack

hell university part 1 front cover artTitle: Hell University, Part 1
Author:
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Date Published:
ISBN: 9786214140756
Genre: Horror, Thriller, Dystopian Fiction
Language: Filipino
Format: Paperback

Nang dahil sa binasa kong "Librong Itim" (see previous book review about Librong Itim Vol. 1 & 2), na-miss ko kasi magbasa ng mga nakakatakot na libro. Naalala ko yung True Philippine Ghost Stories na serye na limbag ng PSICOM. Natuklasan ko na may online store ang PSICOM sa http://psicom.ocnk.biz/ at nakita ko na mahigit 30+ serye na pala ang TPGS. Yung huling limbag nila ang binili ko kasi nagtitipid ako. Yung TPGS Spookify na lang yung pinili ko. Siyempre hindi lang yun binili ko para hindi sayang yung shipping. Sinubukan ko yung iba nilang item at ito yung nakita ko sa top ranking item nila - Hell University! May dating yung pamagat. Nag-quick research ako at natuklasan ko na base ito originally from Wattpad story na sinulat ni KnightInBlack.

Ang haba ng paliwanag ko. Basahin mo na lang po ang aking book review sa ibaba.

(continue scrolling or click 'Read more' below)


hell university part 1 rear cover art

hell university part 1 wattpad book

Mabibilang lang sa daliri ang mga binasa kong Wattpad books. Yung una kong binasa, yung Diary ng Panget na nirekomenda ng pamangkin ko. Kung gusto mo mabasa ang rebyu ko sa aklat na iyon, sundan ang link na ito - https://www.goodreads.com/review/show/1220812485

Matapos ko basahin yung Diary ng Panget, hindi na ako dapat muli magbabasa ng mga Wattpad stories, pero aksidenteng nakabasa ulit ako nang binili ko yung Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang. Late ko na na-realize na originaly gawa sa Wattpad iyon nang matapos ko yung libro. Okay yung istorya, binigyan ko siya ng rating na 3.5/5.0. Kung gusto mo basahin ang book review ko sa Moymoy Lulumboy, sundan lamang ang link na ito - http://www.literateknolohitura.com/2016/11/moymoy-lulumboy-book-1-ang-batang-aswang-book-review.html Pinagsisisihan ko nga yung mga panghuhusga ko sa kalidad ng mga istorya sa Wattpad nang mabasa ko ang Moymoy Lulumboy. May mga writers pala na magagaling rin tulad ni Segundo Matias. Jr.

So eto na, pangatlo o pang-apat yata na Wattpad book na binasa ko, ang Hell University, Part 1. Ito ang masasabi ko, kalahating okay siya at kalahating hindi. Bakit? Nagustuhan ko ang setting ng kwento ngunit hindi ang mga reaksyon at impresyon ng mga karakter, mga pangyayari, atbp. Walang sumusuportang pangungusap, salita o paliwanag sa mga kinikilos ng karakter. May pangyayari na magulo. Parang ganito kasi - nandoon na lang basta at nasa sa akin na lang bilang mambabasa kung paano nangyari yung impresyon nila. May kulang. May kakapalan ang librong ito na nasa 256 na pahina pero wala sa kapal ng libro ang pagiging kompleto ng istorya.

May parte na nagko-contradict yung principle ng karakter sa sarili niya. Ayaw niyang may mamatay pero sa isang parte gusto niyang pumatay. Minsan may baduy na linya pero tingin ko may mga babae talagang ganoon. Tapos tungkol sa Hell Week, meaning pwedeng pumatay ang lahat nang walang tinatakdang oras, free time ng mga estudyante na pumatay. Alam ng main character na Hell Week pero mag-isa 'tong gumagala sa campus. Kung sumusunod ang may-akda sa sinsulat niya tungkol sa Hell Week at hindi basta-basta kung ano lang ang gusto niyang ilagay, siguro natapos na yung libro kasi Hell Week yun eh, hot target yung main character. Ni hindi nga niya dinala yung kutsilyong bigay sa kanya habang dumdaan siya sa hallway, sa school ground, etc. Tapos yung President ng Student Gov't, kasi dun sa isang eksena, may pinapapatay yung Principal, pero pumalag yung si student President kasi siya lang raw ang pwedeng mag-utos na pumatay. Napaka-imposible kasi nun, na-override niya yung kapangyarihan ng Principal? O baka may hindi ako alam, at sa Part 2 ipapaliwanag kung bakit?

Meron ring errata sa pahina 182 doon sa linya na "Lalapitan ko sana ang dalawang lalaki nang pigilan ako ni Matt." Babae yung dalawang lalapitan niya, hindi mga lalaki. Sana binasa at naayos man lang ng Editor ang linyang iyon bago ito mailimbag.

Nakikita ko na may potensyal ang may-akda na mapabuti pa ang storywriting skills niya. Nakita ko kasi yung takbo ng istorya na may ibubugha pero hindi niya nai-deliver ng maayos ito. Mairerekomenda ko sa kanya ang estilo ng pagsusulat ni Segundo Matias, Jr. sa Moymoy Lulumboy. Maayos yung pagsusulat niya. Kahit yung maayos na pagsusulat lang ni Segundo ang maaral niya, tiyak na kamamanghaan ang Hell University ng mga mambabasa.


Dahil kalahating okay at kalahating hindi ang inasahan ko sa librong ito, ang iskor ko dito ay: 2.5 / 5.0

Mabibili ang aklat na ito sa sumusunod na link: http://psicom.ocnk.biz/product/1219

Ang part 2 ng librong ito ay mabibili sa link na ito: http://psicom.ocnk.biz/product/1224

Hindi na ako bibili. Pero kung may magpapahiram sa akin o magdo-donate, itutuloy kong basahin yung part 2. Sayang naman yung binasa ko dito sa part 1 at mabilis naman ako magbasa Filipino kumpara sa Ingles. Pwede ko pa bigyan ng pagkakataon itong Hell University. Baka sa part 2, nag-improve na yung may-akda.

Salamat!

-




Advertisement:
Lazada Philippines

5 comments:

  1. May ilang akda sa wattpad na nabasa kong maganda tulad ng 'She's Dating a Gangster. Palagay ko ay maraming promising writers dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa iyong rekomendasyon. Parang narinig ko na siya. Maghahanap ako ng librong iyan at aking susubukang basahin.

      Delete
  2. I haven't tried reading anything in Wattpad, and I don't even know how it works. Thanks to your review, we can free up more time reading other better books that have substantial information and value in terms of entertainment.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wattpad is an online venue for newbie writers, amateur writers, and even pro writers. Basically, when you publish a story in Wattpad and gained a lot of readers, you'll have the chance to be approached by local publishers.

      Delete