Showing posts with label Filipino Books. Show all posts
Showing posts with label Filipino Books. Show all posts

Saturday, September 29, 2018

Book Review: Gagamba, a novel by F. Sionil José

gagamba by f sionil jose front cover artTitle: Gagamba
Author:
ISBN: 9789718845592
Publisher: Solidaridad Publishing House
Published date:
Language: English
Genre: Society, Drama, Historical Fiction, Filipiniana

I've been wanting to read a F. Sionil José title (any) back in the days of my college. That's a decade ago. It's just this year, I got a copy, a very premium and signed copy bought at Anáhaw Books. You may check their online bookshop at this link:
https://www.anahawbooks.com/

So let's head to the real review:

Saturday, September 22, 2018

Book Review: SEEN 1:43 AM (Extended Edition) | librong isinulat ni Rhadson Mendoza

seen 143 am front coverTitle: Seen 1:43 AM
Author:
ISBN: 9786214140244
Edition: Extended Edition
Language: Filipino
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Published date:
Genre: Drama

* SLIGHT SPOILER ALERT

Muntik ko na hindi tapusin ang librong ito dahil naiinis ako sa takbo ng kwento. At naasiwa ako sa halos umabot na daang pahina ng World Guiness Record na lambingan-at-away ng dalawang tauhan na si Rhaine at Klarissa.

Binili ko ito sa Shopee shop ng PSICOM at nakuha ng pamalat nito ang atensyon ko. Akala ko talaga nung una, nakakatakot ang kwento nito o nasa thriller genre ito kasi nga madilim yung cover art. Bakit ko pa binili? Hindi ako nag-pre-pre read ng mga reviews at plot dahil ayaw kong maapektuhan nito ang aking views at opinyon sa babasahin kong libro samakatwid ayokong nai-spoil ako. Gusto ko ma-surpresa!

Umabot ako sa pahina 90-something, at puro lambingan at nakakasakal na messaging ng lalaking tauhan doon sa girlfriend niya ang nabasa ko. Naghihinuha ako e, kung ano ba yung 1:43 AM sa kwento. Sa parteng iyon ko lang na-realize talaga na wala yung ine-expect ko na kidnapping scene, patayan scene, o paranormal scene. Talagang drama genre nga ito. Kasi nga akala ko talaga horror o thriller genre siya. Nang dahil dun, itinuloy ko pa rin ang pagbabasa hanggang matapos. Gusto rin ma-obserbahan ang kanilang sitwasyon.

Hilig ko rin naman pag-o-obserba sa behaviour/pag-uugali ng mga tao tulad ng nasa kwento. Mapapatanong ka, may ganito pala ano? Yung Long Distance relationship at yung isa pa na makipag-relasyon sa babae na hindi naman sigurado sayo.

Yung parte ng kwento kay Lia, "a day" lang sinagot yung pangunahing tauhan, grabe na maka-kandado sa babae. "A day" ka lang sinagot, hindi ko sinasabi na mali o tama ang grabeng pagmamahal, mahirap timbangin yan, pero "a day" ka lang sinagot, sobra ang pag-aalala ng pangunahing tauhan para kay Lia. Nakikita ko na tunay at agad-agad ang pagmamahal ang pangunahing tauhan pero "a day" lang siya sinagot. Paulit-ulit ako ano? Uulitin ko "a day" lang siya sinagot ng 'i love you', ni hindi man nag-alangan si Rhaine kung solid ba yung 'I love you' kasi sinabihan siya na pupuntahan ni Lia yung Ex niya. Siguro totoo yung kasabihan o nangyayari na "nakakabaliw ang pag-ibig".

Nainis man ako sa pangunahing tauhan, love interest niya, at takbo ng kwento, hindi ko rin maitatanggi na dumaan rin ako sa pagkakataon na baliw rin ako sa pag-ibig noon. Yung akala ko tama ako at wala naman akong ginagawang mali. Pero nang tumanda na at binabalikan ko ang mga ala-alang ginawa ko, napagtanto ko na ang selfish ko pala. Inunawa ko rin dapat siya kung bakit pero hindi natin magagawa iyon sa sitwasyon na nasasaktan ka rin. Hindi naman itinuro ang Love 101 sa school e. Paano nga ba natin malalaman kung tama o mali ang ginagawa natin pagdating sa pag-ibig? Hindi ko inihahalintulad yung love life ko dati sa mga tauhan ng kwento, pero nangyayari naman talaga yan. Yung akala mo wala kang mali pero meron, meron, meron. Hindi mo nga lang natin makikita kasi baliw na tayo sa pag-ibig. Kaya tanging sarili lang natin ang makakaunawa ng mga pagkakamali natin, hindi man kaagad sa kasalukuyan, maaaring sa hinaharap pa. Matatawa na lang tayo kapag nagbalik-tanaw sa atin ang mga nangyari.


Hindi ko na masyadong papahabain pa. Ito ang grado ko sa librong ito, kalahati: 2.5 / 5.0

Hanggang sa matapos, may inaasahan pa akong aral na iiwan yung pangunahing tauhan na si Rhaine pero hindi ko siya inasahan. Sadyang closure lang.

Ang "Seen 1:43" ay maituturing kong specimen o materyal para sa behavioural study ng mga mag-aaral ng Sikolohiya. Kaya inirerekomenda ko ito kung gusto niyo obserbahan at pag-aralan ang klase ng sawing pag-ibig nila.


seen 143 am rear book spine

Maraming salamat!

-




Wednesday, May 30, 2018

Book Review: Alamat daw ng Gatas | Halo-Halong Kwento | Pekoiman

alamat daw ng gatas by pekoiman front cover
Alamat daw ng Gatas (Front Cover)
Title: Alamat daw ng Gatas
Author:
ISBN: 9786214140916
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Published date:
Language: Filipino
Genre: Comics, Filipiniana, Comedy, Humor
Buy Link: https://shopee.ph/Alamat-Daw-ng-Gatas-i.56563909.952976993





Wala ako intensyon na bilhin ito kasi mukang pambata (tignan yung cover). Pangalawang sulyap ko sa cover, sabi ko 'ay! parang may bastos..', e hinayaan ko na, add na yan sa Cart, malaki naman diskwento ng mga panahon na iyon sa Shopee account ng PSICOM. Expected ko magsisisi kahit di ko pa nababasa (napakasama ko). Pero nang buklatin ko na at mabasa ang sumunod na mga pahina, naaliw ako ng husto. Nakakatawa pala ito!

(Click 'Read more' or continue scrolling to view full book review):

Saturday, May 26, 2018

Book Review: Moymoy Lulumboy bk. 2, Ang Nawawalang Birtud | Segundo Matias, Jr.

moymoy lulumboy book 2 ang nawawalang birtud front cover
Moymoy Lulumboy book 2 Front Cover

Title: Moymoy Lulumboy - Ang Nawawalang Birtud
Series no. 2
Author:
Illustrator: Jomike Tejido
Publisher: Lampara Publishing House, Inc.
Published date:
ISBN: 9789715188210
Language: Filipino
Genre: Fantasy, Fiction






Dalawang taon na pala ang nakalipas mula noong basahin ko ang unang serye ng librong ito. Mababasa ang aking rebyu sa unang serye sa sumusunod na pooksasapot - https://www.literateknolohitura.com/2016/11/moymoy-lulumboy-book-1-ang-batang-aswang-book-review.html

Nang dahil sa librong ito, una kong na-meet na personal ang mismong may-akda na si Kuya Jun, noong nakaraang Metro Manila Book Fair 2017. Naipapirma ko pa nga ito, pero nang basahin ko na kamakailan lang, natuklasan ko na may printing error ang nabili ko. Nawawala ang Chapter 00 hanggang 01 pero buti na lang at may libre kopya sa Wattpad na opisyal na nakalathala dun, siguro draft yung andoon.. makikita dito ang online copy sa sumusunod na pooksasapot - https://www.wattpad.com/132386610-moymoy-lulumboy-book-2-ang-nawawalang-birtud

(basahin ang buong rebyu - click 'Read more' or continue scrolling)

Tuesday, December 19, 2017

Book Review: Ang Bagong Krusada ni Juan Bautista


Advertisement:
Lazada Philippines

Ang Bagong Krusada front cover
Ang Bagong Krusada front cover
Pamagat: Ang Bagong Krusada
May-akda:
ISBN: 9786214140534
Linggwahe: Filipino
Limbagan: PSICOM Publishing Inc.
Petsa ng Pagkalimbag: 2016
Genre: Filipiniana, Fiction

Nag super sale noong nakaraang buwan ng 11.11 ang PSICOM sa Shopee at sa halagang 300 pesos ay marami na akong nabili. Sa totoo lang nahirapan ako sa pamimili dahil tanging pamilyar lang sa akin ay yung True Philippine Ghost Stories series na mga aklat nila. At pinili ko rin yung mabiling libro nila na ay yung may-akda ay originally nagsulat from Wattpad.



Ang Bagong Krusada rear cover
Ang Bagong Krusada rear cover

Hindi ko bibilhin Ang Bagong Krusada kung di dahil sa kapansin-pansing pamalat nito at siyempre sa mismong pamagat niya. Wala akong pangunahing ideya kung sino man ang may-akda nito. Hindi siya pamilyar sa akin. Mas pamilyar pa sa akin yung blurb ni Norman Wilwayco sa likod ng libro. Note, si Norman Wilwayco ay may-akda ng Gerilya at iba pang natatanging istorya; nagkamit rin siya ng parangal sa Palanca. Talagang sinubukan ko lang basahin ito tulad ng pagsubok ko sa mga Wattpad books na nililimbag ng PSICOM. Nag-iingat na rin kasi ako sa pamimili kasi ampang.. ang ibig ko sabihin, hindi ko nagustuhan yung kamakailan na nabili kong Wattpad-based na libro na ma-cheesy at hindi naaakma na babasahin sa edad kong ito (na batang bata pa).

Hindi ako binigo ng Ang Bagong Krusada. Nagustuhan ko ang istorya niya. Ito kasi ang hinahanap kong estilo ng pagsusulat. Yung tono ay seryoso at wasto rin ang pagkakasulat. Maaksyon siya at hindi nakakatamad basahin. May pagka-biblical siya pero wag niyo isipin na masyadong relihiyoso ang librong ito. Parte lang talaga siya ng balangkas dahil nga, malinaw naman, may palagay naman siguro kayo kung ano yung "krusada" ng Kristyanismo.

Ang score ko sa librong ito ay: 3.7 / 5.0

Kung gusto niyo bilhin ang librong ito, mabibili siya sa sumusunod na mga links:


Salamat!

-




Saturday, September 16, 2017

Lit News: Moymoy Lulumboy 4 Book Launch (September 16, 2017)

moymoy lulumboy book 4 front cover with freebiesIkinalulugod ko na naimbitahan ako sa book launching ng Moymoy Lulumboy book 4 ni Mr. Segundo Matias, Jr. o mas kilala sa tawag na Kuya Jun. Ang pamagat ng bago niyang libro ay Moymoy Lulumboy Book 4 - "Mga Dulot ng Digmaan". Ang librong ito ay kasunod ng nasabing serye.

Ang Moymoy Lulumboy ay Young Adult at Fantasy book na pinagbibidahan ng nasabing pangalan - si Moymoy Lulumboy. May mga tauhan ito na may kaugnayan sa Filipino Myth at magkapanabay ang mga pangyayari sa modernong panahon.






Ito ang synopsis ng book 4:
"Nagtagumpay si Moymoy na mabawi ang lahat ng Ginto ng Buhay sa tulong ng kapatid na si Alangkaw. Sa wakas, mapapawi na ang sumpa sa mga tibaro. Nagdiwang ang lahat pero sa mismong gabi ng selebrasyon ng mga tibaro, naging kulay-dugo ang mukha ng buwan...
Hindi pa rin tapos ang gabi ng dugon! Hindi napawi ang sumpa?"

Mag-aapat na taon na ang serye at malinaw naman na pang-apat ang "Mga Dulot ng Digmaan". Siyempre, hindi magiging matagumpay ang serye kung wala ang buong team na tumulong buuin ang nasabing aklat (larawan sa ibaba):

moymoy lulumboy production team photo op
Team sa likod ng Moymoy Lulumboy

Nakaka-engganyo rin ang maikling dula na itinanghal ng PETA theater group kanina bilang balik-alaala sa unang serye ng Moymoy Lulumboy. Dahil nakaka-engganyo ang ipinamalas ng mga nagtanghal, naitanong sa sumunod na Q&A kung isasapelikula ba ang Moymoy Lulumboy. Sinagot naman ito ng may-akda na pag-uusapan nila ang tungkol dito.

moymoy lulumboy theater play
Moymoy Lulumboy Stage Play by PETA Theater group

moymoy lulumboy by peta theater group

moymoy lulumboy theater actor and actress
Ang mga nagsipag-ganap sa maikling Stage Play ng Moymoy Lulumboy - PETA Theater group

Base sa Q&A mula sa grupo ng Press kanina at sagot ng may-akda, walang eksaktong bilang kung saan magtatapos ang serye ng Moymoy Lulumboy. Umasa na rin tayong mga mambabasa na sa susunod na taon ay may bago ulit sequel ang Moymoy Lulumboy. Kada taon, may isang taong hakbang rin sa edad ni Moymoy. Dagdag pa ni Kuya Jun na magpapatuloy ang sequel hangga't bata pa si Moymoy kung saan makaka-relate ang target audience na mga bata at young adults (ang impormasyong ito ay nakalap sa Q&A kanina sa book launching). Sa mga mambabasa na nag-iisip rin kung hanggang saan matatapos ang sequel ng book na ito, marahil matatapos ito kapag malapit na maging adult si Moymoy.

Habang nagpapa-sign ako kanina, tinanong ko si Kuya Jun kung may balak ba sila na maglimbag ng Hardcover format ng Moymoy Lulumboy dahil nagagandahan ako sa cover art ng libro. Pinag-uusapan pa nila ang tungkol dito.

autographed moymoy lulumboy book 4
Moymoy Lulumboy book 4 signed by Segundo Matias Jr.

moymoy lulumboy book 4 signed by jomike tejido
Moymoy Lulumboy book 4 signed by Jomike Tejido

literateknolohitura owner with jomike tejido
Literateknolohitura owner with Jomike Tejido

literateknolohitura owner with segundo matias jr
Literateknolohitura owner with Segundo Matias Jr.

Mabibili ang Moymoy Lulumboy Book 4 sa halagang 239.75 php. Sa ngayon, available pa lamang ito sa booth ng Precious Pages sa Manila International Book Fair 2017, SMX Convention Center, Pasay City, Metro Manila (from Sept. 16 - 17, 2017). Magiging available na ito sa mga kilalang Book Shops sa susunod na mga araw o linggo.


Salamat!


Saturday, August 19, 2017

Book Review: Hell University, Part 1 by KnightInBlack

hell university part 1 front cover artTitle: Hell University, Part 1
Author:
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Date Published:
ISBN: 9786214140756
Genre: Horror, Thriller, Dystopian Fiction
Language: Filipino
Format: Paperback

Nang dahil sa binasa kong "Librong Itim" (see previous book review about Librong Itim Vol. 1 & 2), na-miss ko kasi magbasa ng mga nakakatakot na libro. Naalala ko yung True Philippine Ghost Stories na serye na limbag ng PSICOM. Natuklasan ko na may online store ang PSICOM sa http://psicom.ocnk.biz/ at nakita ko na mahigit 30+ serye na pala ang TPGS. Yung huling limbag nila ang binili ko kasi nagtitipid ako. Yung TPGS Spookify na lang yung pinili ko. Siyempre hindi lang yun binili ko para hindi sayang yung shipping. Sinubukan ko yung iba nilang item at ito yung nakita ko sa top ranking item nila - Hell University! May dating yung pamagat. Nag-quick research ako at natuklasan ko na base ito originally from Wattpad story na sinulat ni KnightInBlack.

Ang haba ng paliwanag ko. Basahin mo na lang po ang aking book review sa ibaba.

(continue scrolling or click 'Read more' below)

Tuesday, August 8, 2017

Book Review: Librong Itim Vol. 2 - An Anthology of Short Philippine Horror Stories

librong itim volume 2 front coverTitle: Librong Itim Vol. 2
Subtitle: An Anthology of Short Philippine Horror Stories
Authors: , , , , , , , ,
ISBN: 9789710299539
Language: Filipino
Format: Paperback
Genre: Horror
Date Published:
Publisher: Segundo Matias, Jr.


Mga Nilalaman:
  • 1993
  • 1-10
  • 3 AM
  • 3
  • 09.09.09
  • 10 07 02 31 03 06 2016 2014 2012 20 17 91 45
  • 30 MINUTES
  • 198
  • 3333
  • 3:00

Price: 89.75 php.
URL: https://www.preciousshop.com.ph/products/black-ink/bin00009-librong-itim-volume-2/

Binili ko ito sa nasabing Online Store, tignan ang link sa itaas, kasama ng unang Volume. Kung hindi niyo pa nababasa ang Book Review ko para sa Librong Itim Volume 1, bisitahin lamang ang link na ito: http://www.literateknolohitura.com/2017/08/librong-itim-vol-1-book-review.html

(continue scrolling or click 'Read more')

Monday, August 7, 2017

Book Review: Librong Itim Vol. 1 - An Anthology of Short Philippine Horror Stories


Advertisement:
Lazada Philippines


librong itim volume 1 front cover
Librong Itim Vol. 1 Front Cover
Title: Librong Itim Vol. 1
Subtitle: An Anthology of Short Philippine Horror Stories
Authors: , , , , , , , ,
ISBN: 9789710293094
Language: Filipino
Format: Paperback
Genre: Horror
Date Published:
Publisher: Precious Pages Corporation



Mga Nilalaman:
  • Ang Babae Sa Daan
  • Ang Third Eye ni Peter
  • Car Center Agent
  • Have Fun at Midnight
  • Ka Elias
  • Marka
  • One Night Initiation
  • ROOM 424
  • The Research Club
  • Yakap ng Kabilang Buhay

Price: 89.75 php.
URL: https://www.preciousshop.com.ph/products/black-ink/bin00008-librong-itim/

Natuklasan ko ang librong ito sa patimpalak ng Black Ink, isang lokal na manlilimbag sa Pilipinas. Kamakailan lang ay isinali ko ang aking likha sa kanilang patimpalak. Sa kasawiang-palad ay di nakapasa ang isinali ko. Ayos lamang dahil, sa pang-ilang ulit kong basa sa Maikling Kwento na ginawa ko, hindi rin matakot-takot sa gawa ko. Horror genre kasi ang kailangan sa Librong Itim, pangalan ng libro na naglalaman ng iba't-ibang kwento mula sa mga iba't-ibang tao. Hindi requirement ang pagiging journalist or degree sa panitikan, basta't may kuwento kang nakakatakot at kanais-nais alinsunod sa tema na kailangan nila, maaari kang sumali.

At ayun nga, di nakapasok ang entry ko kaya naman bumili na ako ng mismong aklat nila upang basahin ang gawa ng mga nagsilahok para gawin itong inspirasyon at matuto na rin kung paano nga ba gumawa ng Horror Story na patok sa panlasa ng hurado nila.

(continue scrolling or click 'Read more')

Tuesday, September 15, 2015

Pagsusuri sa Aklat: Ang Mag-anak na Cruz ni Liwayway A. Arceo

The following book review is written in Filipino. See how you can translate it with your language here.

ang mag anak na cruz front cover liwayway arceo
Mga Detalye:

Pamagat: Ang Mag-anak na Cruz
Pangalawang pamagat: Katha na Pumapaksa sa Pagpapahalagang Pilipino
Linggwahe: Filipino / Tagalog
May-akda:
Tagapaglathala: Ateneo De Manila University Press
Petsa ng Pagkalimbag:
ISBN: 9715500064
Genre: Fiction, Academic



Mga Tauhan:
  • Remy - babaeng asawa ni Tinoy
  • Tinoy - lalakeng asawa ni Remy
  • Baby - panganay na anak nila Remy at Tinoy Cruz
  • June - bunsong anak ng mag-asawang Cruz
  • Petra - katulog ng mag-anak na Cruz

Nabili ko ang aklat na ito sa murang presyo mula sa isang online store sa Facebook. Binili ko siya dahil narinig ko na ang pangalang "Liwayway Arceo". Hindi ko na maalala kung paano ako naging pamilyar sa pangalan ng may-akda. Inisip ko mukhang maganda ito. Hindi naman ako nagkamali kaya heto ang aking rebyu sa aklat na ito.


Saturday, February 14, 2015

Pagsusuri sa Aklat: 'Gapô ni Lualhati Bautista

(this post is written in Filipino)

Matagal-tagal na ring hindi ako nakakapagbasa ng mga Tagalog na aklat at kamakailan lang ay hinahanap-hanap ko ang mga nobelang nababasa ko sa mga textbook noong High School at kolehiyo ko.

Nang makita ko na may nagbebenta ng mura't-gamit na libro sa isang Facebook group ay di ako nag-atubiling bilhin ang 'Gapô ni Lualhati Bautista sa halagang singkwenta pesos (50 pesos).

Detalye ng Aklat:

Pamagat: Gapo
Pangalawang pamagat: at isang puting Pilipino, sa ng mga Amerikanong kulay brown
May-akda:
Linggwahe: Tagalog / Filipino
ISBN: 9711901153
Genre (Anyo o Estilo): Drama, Fiction
Limbagan: Cacho Publishing House, Inc.
Petsa ng Pagkalimbag:
Unang Nailimbag: 1988
Unang Limbagan: Carmelo & Bauermann




Tauhan:
- Michael Taylor Jr. / Mike
- Magdalene / Magda
- Modesto / Mang Modesto
- Alipio

(Basahin ang aking rebyu ng aklat na ito sa ibaba)

Friday, December 19, 2014

Book Review: Ilustrado by Miguel Syjuco

I bought this book back April 10, 2010 in National Bookstore located at Glorietta 5 during the author's book launching. I'm happy it was signed by the author Miguel Syjuco himself. I learn about the book from 2008 Palanca Awards and latter it won Man Asian Literary Prize too. That's my deciding factor why i bought it.

Eventually after i got home, I forgot to read it because of hefty school work. It's almost 4 years already and it's just this month, while cleaning my bookshelf, I notice this book and decided to read it.

Signed Ilustrado novel by Miguel Syjuco. Photo from Instagram post by Literateknolohitura's Otakore.

I expect, It would be a great book to read because it won prestigious awards but let's find out if it really is with my book review (continue by clicking the 'Read more' or scroll down).

Thursday, April 17, 2014

Wickedmouth - Unang Putok ni Glenn Tabarejos

Pamagat: Wickedmouth
Pangalawang Pamagat: Unang Putok
May-akda: Glenn Tabarejos
Limbagan: BHM Publishing
Petsa ng Pagkakalimbag: 2013
Kalidad ng Pagkakalimbag: Maganda
ISBN: 978-971-95188-2-2
Halaga: 200.00 pesos
Akma sa Edad ng Mambabasa: 18+

Nagustuhan ko ang pagkakaguhit sa pabalat ng librong ito. Ang gumuhit ay si Al Estrella o Mots ng Teacher's Pwet blog.
wickedmouth unang putok front cover
Wickedmouth - Unang Putok Front Cover
Bibigyan puntos ko rin ang paglalagay nila ng Parental Advisory Explicit Content badge sa librong ito bilang babala. At di ko sinasadyang naiwan kong pakalat-kalat sa bahay namin ang Unang Putok at nabasa ng aking pamangkin na nasa 12 taong gulang. (buti na lang, wala pa siya sa kalahati)
wickedmouth unang putok rear cover
Wickedmouth - Unang Putok Rear Cover
Una kong nadiskobre ang blog ni Glentot noong nakaraang taon sa isang pooksasapot na nakasapot sa isang komento sa blog na natagpuan ko sa sanggunian ng mga blog mula sa BlogNgPinoy.

Hinanap ko ang librong ito sa Filipiniana / Filipino Literature at di ko mahanap kaya't itanong ko ito sa 'miss' dun sa National Bookstore - Megamall...

   Ako: (nag-inquire ako sa Customer Desk). Miss may "May Unang PUTOK kayo?"
   Miss Nat'l: Ha?!
   Ako: Unang PUTOK. Author nun si Glenn.
   Miss Nat'l: (nakakunot yung noo) Tagalog ba yung libro?

Nabastusan yata sa akin dahil sa matigas na pagkakabigkas ko ng "PUTOK" hahaha.

   Ako: Oo... yata.
   Miss Nat'l: (nag-type siya sa kompyuter para hanapin)

Pinayuhan niya ako na maghintay at kanyang kukuhanin ang aking hinahanap.

Siya'y bumalik at ibinigay sa akin ang Wickedmouth. Yey!

Wednesday, January 23, 2013

Pagsusuri sa Aklat: Ang Pera na Hindi Bitin ni Ardy O. Roberto, Jr.

Pamagat: Ang Pera na Hindi Bitin
May-akda: Ardy O. Roberto, Jr.
Presyo: 50.00 pesos

Ang Gabay sa Pera

Di patok sa akin ang pamalat ng aklat pero nang subukin kong basahin dahil na rin sa pag talakay sa akin ng isa kong kaopisina tungkol rito, ay nagkainteres na rin ako. Sa sumunod na pahina, alam ko na, mala-Colayco at Koyasaki ang pag-gabay niya tungkol sa wastong pag-gamit ng pera. Kakatuwa ang mga kataga at hinding hindi ka magiging ganid pagkatapos mo mabasa ang librong ito, dahil may halong may pagka-banal ang pagkatalakay niya sa pera. Opo, kristiyano si Ardy at opo, di ako relihiyoso pero iginagalang ko ang mga bersikolong inilagay niya sa aklat. Tama naman at may punto ang mga kataga at bersikulo galing Bibliya.

Ang Pera na Hindi Bitin ni Ardy O. Roberto, Jr. (Harapang Pamalat)

Ang Pera na Hindi Bitin ni Ardy O. Roberto, Jr. (Likurang Pamalat)
Matapos ko mabasa ang aklat, eto ang mga leksyon na natutunan ko:
- di mo na kailangan maubusan ng pera para matuto sa pagkakamali at magkapera, sapat na ang sikwenta pesos na librong ito bilang pagbubukas sa iyong katangian sa paggamit ng wasto sa pera
- paumanhin pero para sa akin, di ko na kailangan mag-ambag ng pera sa simbahan para gantimpalaan ako ng espiritwal na nilalang (Diyos) ng swerte sa pera, naniniwala ako sa diyos pero ayaw ko ng mga sistema.
- kung nakakabasa lang ako ng ganitong libro tulad nung kay Colayco noong bata pa ako, marahil may naipon na ako ngayong sa edad kong 'to na pang-negosyo, nakakapagsisi pero di pa huli ang lahat (ako bente-singko anyos na, oh my, oh my!)
- di muna ako mag-aasawa o makikipag-landi sa babae hangga't wala akong ginhawa sa buhay
- hahanap ako ng babae tulad ng asawa nung may-akda, yung babae na may "pag-iisip" at marunong mag-hirap . . . maraming maganda riyan, marami sa kanila mataas ang expectation ( di lahat, pero karamihan :P )
- wag makontento sa isang trabaho, kailangan ko ng maraming gimik, yung iba't-ibang pinagmumulan ng pera

Pagpapasalamat
- Para kay +Nelson Evangelista - salamat. Ginaya ko lamang ang bagger sa pahina 24. Hiniram ko ang libro mong ito dahil mahal kasi :D
- Para sa Diyos na lumikha sa sangkatauhan (yung walang pangalan, yung di rebulto)
- Para sa aking pamilya na nagpalaki sa akin at para sa tunay kong mga magulang na di ko pa kilala - kung asan man kayo, masaya sana kayo sa pinag-gagawa ninyo
- Para sa aking sarili na hindi basta-basta naiimpluwensiyahan, naiimpluwensyahan lamang ng nasa tama

Salamat.

Tuesday, November 29, 2011

Book Review: Kikomachine Komix Blg. 02 ni Manix Abrera

NOTE: THIS BLOG POST IS WRITTEN IN FILIPINO 

Harapang Pamalat ng Kikomachine Komix Blg. 02
Likurang Pamalat ng Kikomachine Komix Blg. 02

Pangalawang Pamagat: Mga Tagpong Tila Nagpapaka-Weird, Kunyari Pa-Deep, Sarap Sapakin...
May-akda: Manix Abrera
Lingwahe: Tagalog / Filipino
Petsa ng Pagkalimbag: Agusto 2006
Limbagan: VISPRINT, INC.

Tawa-Kahit-Corny-Anticipation sa Pahina: 3, 5, 6, 7, 13, 14, 15, 17, 19, 26, 28, 33, 38, 39, 41, 45, 47, 49, 50, 52, 54, 60, 67, 68, 70, 71, 73, 75, 79, 80 (Nota: Ang mga nabanggit na pahina ay may epekto sa akin. Para na rin sa aking reference, kung gusto kong basahin ng basahin ulit-ulit ang komiks na ito, direkta ko nang makikita ang mga paborito kong tagpo.)

Book Review:

Sa libro niyang ito makaka-relate ka kung buhay ka na noong kapanahunang nauso o nangyari ang mga sumusunod:
  • Sikat ang Meteor Garden noon (2003)
  • Uso ang "wish ko . . ." sa T. V.
  • Uso pa ang Friendster
  • 15 mins. Grace Period sa Kolehiyo
  • Text Traffic Tuwing Christmas at New Year
  • 2004 Philippines Presidential Election
  • T-shirt na may mukha ni Che Guevarra
  • Education Bridge Program
  • Nauso ang Calculator na Nokia Phone in-disquised
Binabanggit ko na ang nakalistang mga nauso sa itaas para sa inyong kahandaan pag binasa niyo ang aklat na ito.

May napulot rin akong aral sa librong ito. Ang mga sumusunod ay mga natutunan kong salita (gusto ko ibahagi sa inyo para sa inyong dagdag na kaalaman; inyo na'ng isaliksik para matutunan):
surreal, vainglorious, utter nothingness, escape artist, quantum leap, brainfry, quarter life crisis, social constructs, intellectual masturbation, subliminal message, grace under pressure, form of endearment, bum, platonic love
Nagpapasalamat rin ako't medyo lumawak ang diksyon ko kahit papaano.

Hanggang sa muli, Rak'en'rol .\m/ ^_^ \m/.

Tuesday, November 22, 2011

Book Review: Kikomachine Komix Blg. 01 ni Manix Abrera

NOTE: THIS BLOG POST IS WRITTEN IN FILIPINO

Harapang Pamalat ng Kikomachine Komix Blg. 01

Pangalawang Pamagat: Mga Tagpong Mukhang Ewan at Kung Anu-ano Pang Kababalaghan!
May-akda: Manix Abrera
Lingwahe: Tagalog / Filipino
Petsa ng Pagkalimbag: Hunyo 2005
Limbagan: VISPRINT, INC.

Tawa-Kahit-Corny-Anticipation sa Pahina: 5, 15, 21, 23, 26, 28, 31, 35, 37, 45, 51, 55, 57, 61, 62, 71, 72, 77, 78, 79, 80, 81, 82, 83, 86, 89, 91 (Nota: Ang mga nabanggit na pahina ay may epekto sa akin. Para na rin sa aking reference, kung gusto kong basahin ng basahin ulit-ulit ang komiks na ito)

Book Review:

Binasa ko ulit itong libro para makasulat ako ng book review at di ko inaasahang matatawa ulit ako kahit nabasa ko na ito una palang.

Matagal-tagal na rin simula nung bilhin ko ang "korni raw" na babasahing ito. Pamilyar na ako sa pamagat na Kikomachine sa kadahilanan na rin na nakikita ko minsan ang comic strips na ito sa dyaryong Philippines Daily Inquirer. Di ko sinusubaybayan ang serye ng nasabing komiks pero nang malaman ko na may compilation sa iisang book ang naturang komiks ay naisipan kong bumili nito noong taong nasa kolehiyo pa lamang ako (circa 2007 - 2008).

Sa libro niyang ito makakaunawa ka kung buhay ka na noong kapanahunang nauso o nangyari ang mga sumusunod:
  • Education Budget Cut noong Presidente si Gng. Gloria Macapagal Arroyo
  • S. A. R. S. Outbreak (2002)
  • Digmaan sa Iraq (2003)
  • Naranasan mo ang buhay kolehiyo
  • Mga karaniwang tagpong ewan sa iyong kapaligiran
  • Di pa uso ang touchphone, Nokia pa rin ang nangunguna noon
Samakatuwid nailathala ang mga comic strips sa compilation book niyang ito ng mga bandang taon 2000 - 2005, di ko pa kompirmado kung kailan o ano ang unang taon na inilabas ang serye ng komiks na ito at tatamarin ako kung direkta ko pang i'e-mail para ikapanayam ang may-akda tungkol sa petsa.

Masasabi ko sa huli, napanumbalik nito ang sense of humor ko matapos ko siyang basahin sa pangalawang beses. Salamat.


Other Helpful Reference Related to Kikomachine:
WikiPilipinas.org - http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Kiko_Machine
FilipinoMusica.com http://www.filipinomusica.com/kiko-machine.html

Friday, September 16, 2011

Book Review: Barriotic Punk ni Mes De Guzman


Pamalat Bungad

Likuran

Pamagat: Barriotic Punk - Mga Kuwento sa Baryo at Kanto
May-akda: Mes De Guzman (Ramon De Guzman)
Naglimbag: The University of the Philippines Press
Taon ng Pagkalimbag: Unang Limbag (2002), Pangalawang Limbag (2005)
Edisyon: U. P. Jubilee Student Edition
ISBN: 971-542-366-3

Anong Kwento ang Kapupulutan sa Librong ito?


Mga kwentong baryo at kanto. Baryo, yung tipong kwentong galing sa rural na lugar. Probinsya baga. Yung kanto, e di kwento sa labas, literal - sa kanto. Ang tinutukoy kong kanto, yung, ganito na lang, isaimahe mo na lang na maraming adik sa kanto niyo at kung may nabalitaan ka sa kapit-bahay mong putak ng putak na may kabit si ganto, tinuhog si nene, puta si Magdalena, nagsa-shabu si Carding - ganoon ang istoryang kanto. Nota: alam kong may kanto rin sa Forbes Park pero iba yung tinutukoy dito.

Ang tema at estilo ng pagkakasulat sa mga kwento ay malayo sa karaniwang kwento na matatagpuan sa lumang aklat ng panitikan. Modernong estilo ang pagkakasulat na karaniwan nang mababasa sa ating panahon.

Kakat'wa nga't tipong nakakaunawa ako sa mga kwento, marahil siguro may mga karanasan ako na maisasarelasyon ko sa kwento. May kwentong maaksyon, kwento'ng trabahador, kwentong pankistang bulok, kwentong retro at iba pa.

Di pamilyar at di popular sa akin ang pangalang Mes De Guzman pero sasabihin kong naging interesado ako sa libro niyang ito nang matapos kong basahin.

Tanong sa akin: Paano ka nakakadiskubre ng ganitong mga klaseng aklat?


Natauhan kasi ako na di lamang National Bookstore ang natatanging tindahan na bilihan ng aklat. Subukan nating magsaliksik. And'yan ang Solidaridad Bookshop sa Padre Faura, Manila. Bookay Ukay sa U. P. Village, U. P. Diliman, Quezon City. At sa mga ispesyal na tindahan ng aklat sa mga yunibersidad.

Tanong ulit sa akin: Paano yan, sa kalakhang Maynila lamang pala yan pwedeng matagpuan, e nasa municipalidad ng Ampatuan, Maguindanao ako?!


Tutal, nag-o-onlayn ka rin lang ngayon, pwede mo siyang mabili rito -> http://uppress.com.ph/

_____

At sa iba pang paniniyasat ko sa mga interesanteng aklat tulad nito, abangan at laging bumisita sa Literateknolohitura!

Salamat.

Hanggang sa Muli!