Saturday, February 14, 2015

Pagsusuri sa Aklat: 'Gapô ni Lualhati Bautista

(this post is written in Filipino)

Matagal-tagal na ring hindi ako nakakapagbasa ng mga Tagalog na aklat at kamakailan lang ay hinahanap-hanap ko ang mga nobelang nababasa ko sa mga textbook noong High School at kolehiyo ko.

Nang makita ko na may nagbebenta ng mura't-gamit na libro sa isang Facebook group ay di ako nag-atubiling bilhin ang 'Gapô ni Lualhati Bautista sa halagang singkwenta pesos (50 pesos).

Detalye ng Aklat:

Pamagat: Gapo
Pangalawang pamagat: at isang puting Pilipino, sa ng mga Amerikanong kulay brown
May-akda:
Linggwahe: Tagalog / Filipino
ISBN: 9711901153
Genre (Anyo o Estilo): Drama, Fiction
Limbagan: Cacho Publishing House, Inc.
Petsa ng Pagkalimbag:
Unang Nailimbag: 1988
Unang Limbagan: Carmelo & Bauermann




Tauhan:
- Michael Taylor Jr. / Mike
- Magdalene / Magda
- Modesto / Mang Modesto
- Alipio

(Basahin ang aking rebyu ng aklat na ito sa ibaba)




Unang pahina ng Gapo ni Lualhati Bautista - pamagat

Gapo ni Lualhati Bautista - panimula

Likurang bahagi ng aklat ng Gapo ni Lualahati Bautista

Napakagaan basahin ng librong ito matapos ang matagal-tagal na di ako nakakapagbasa ng mga Tagalog na aklat. Tingin ko'y natural iyon dahil ipinanganak akong Filipino at madali ko lang na naiintindihan ang linggwaheng Tagalog. Totoo nga niyon, isang-upuan ko lang natapos ang librong ito.

Batid ko ang isyu sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Naituro naman ito sa ating eskwelahan at tingin ko'y mauunawaan mo ang mga pangyayari sa kapanahunan ng istorya ng Gapo. Kung hindi man, inirerekomenda ko na ika'y makinig sa iyong guro sa Kasaysayan o kaya nama'y pag-aralan muna ang mga Sangunian sa talababa ng blog post na ito, bago mo basahin ang Gapo.

Napaganda ng agos ng kwento at napakagaling dahil napapabago nito ang inaasam ng mambabasa sa kaniyang binabasa. Mula sa positibong karanasan ng mga Pilipinong tauhan sa mga kano hanggang sa negatibong karanasan sa katapusan ng aklat. May mga nakakatawang tagpo kapag nababanggit na ang pangalan ng baklang si Alipio. May parte rin na may rasismo sa pagitan ng mga Negrong Amerikano at Puting Amerikano. Kawalan ng timbang sa hustisya noon kung saan pumapanig lang ang lahat sa mga kano. Samu't-saring mga kaso ng pagka-api na sa tingin ko'y pagpapahiwatig sa kondisyon noon sa Gapo.

Wala akong gaanong alam sa mga lokal na isyu sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano sa Olongapo noong mga kapanahunan na iyon. Nababatid ko lang paminsan-minsan sa telebisyon kung saan ibinabalita ang protesta ng mga aktibista na ayaw sa mga kano. Tulad ng Subic Rape case. Naaalala ninyo pa ba si Nicole at Daniel Smith? Pero ito'y kaso makalipas ang milenyo at hindi sa kapanahunan ng Gapo bandang dekada sitenta (70s) kung saan may base pa ang mga kano sa Subic. Pero di nalalayo ang kaso ni Nicole sa mga nangyari at ipinaaabot ng kwentong Gapo. Marahil, maraming kaso na rin ng panggagahasa ng mga kano noong panahon na iyon at di lumalaki ang isyu dahil madalas raw na napagtatakpan dati ang mga krimen noong rehimen ni Pangulong Ferdinand Marcos.

May iilan akong nakita na maling baybay sa Tagalog na di ko na lang pinapansin ( tulad ng sisenta sa sitenta (70s) ). Napakaganda kasi ng istorya. Sana'y naitama na ng limbagan ang mga maling baybay sa panibagong imprenta. Taong 2001 pa kasi ang petsa ng pagkakalimbag sa librong ito na nabili ko.


Ang grado ko sa librong ito ay: 4.5 / 5.0


Makabuluhang Sipi mula sa nobelang 'Gapô:

Ke alak, ke gamot. . . pag lagi mong iniinom nagiging manhid ang katawan mo. Katagala'y hindi ka na tinatablan. Totoo 'yon pati sa kaso ng pagkaapi.
- 'Gapô, p. 104


Gantimpalang Nakamit:

Dakilang Gantimpala, Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1979 - 1980)


Trivia:

  • Ang Subic Bay ay naging pang-pitong barkong daungang ng mga Amerikano noong Vietnam War (Nov. 1, 1955 - April 30, 1975).
  • Ang salitang 'Gapô ay pinaikling Olongapo. Ang Olongapo City ay siyudad sa probinsya ng Zambales. Ito ang pinangyarihan ng kwento.

Mabibili ang librong 'Gapô sa sumusunod na tindahan:

150.00 php. sa mismong Anvil Publishing -> http://www.anvilpublishing.com/shop/gapo/

O sa Amazon.com :





Literateknolohitura.com



Sanggunian:

12 comments:

  1. 50 pesos lang para sa isang klasik? Wow!

    ReplyDelete
  2. Good job for this detailed review. I am speechless while reading deep Filipino blog post. It's so unique. Proud of you. :)

    ReplyDelete
  3. Wow! Thanks for the share, ngayon ko lang nalaman yon pala yong ibig sabihin ng Gapo ^_^..

    ReplyDelete
  4. My nose bled! Lol! Filipino was probably one of my lowest grades back in school. Checking Anvil's online shop now! Yay! Thanks for the lead, as always :))

    ReplyDelete
  5. This is a classic. Malalim ang mga linya at ang mga tinatamaang isyu ukol sa pagdating ng mga Amerikano sa Olongapo. Binasa rin namin iton noong ako'y nasa kolehiyo.

    ReplyDelete
  6. Naaalala ko ito nung college kasi requirement sa Filipino class kaso lang di ito na assign sa amin. Next time try ko siya basahin.

    ReplyDelete
  7. Naalala ko nung mga panahong ako'y nagsusulat pa ng Filipino.

    Pero ibang klase yung sayo, anlalim...shet hahaha

    Nag book review kami ng Gapo nung high school, pero mas naintindihan ko istorya nang basahin ko ang post mo. Salamat. Napakahusay!

    ReplyDelete
  8. very classic! kasama na ata to sa HS curriculum e.haha
    napapanahon pa rin ang kwento nya hanggang ngayon

    ReplyDelete
  9. hindi ko alam kung papaano isusulat ang komentong ito. nakakahiya at sa sarili ko pang wika dumugo ang ilong ko. hahaha

    ooooh, Olongapo pala yung 'Gapo hehe

    hear hear on this!
    Ke alak, ke gamot. . . pag lagi mong iniinom nagiging manhid ang katawan mo. Katagala'y hindi ka na tinatablan. Totoo 'yon pati sa kaso ng pagkaapi.
    - 'Gapô, p. 104

    ReplyDelete
  10. Ako din, matagal nang hindi nakakapag-basa ng libro sa Tagalog. Mukhang maganda nga ang 'Gapo, award-winning pa :)

    ReplyDelete
  11. Galing mo talaga makahanap ng mga second hand books. Mura na at maayos pa ang itsura. ^^

    ReplyDelete
  12. kailangan ko mabasa yan. kaso parang di nag exist sa mga book store. ;(

    ReplyDelete