Tuesday, August 8, 2017

Book Review: Librong Itim Vol. 2 - An Anthology of Short Philippine Horror Stories

librong itim volume 2 front coverTitle: Librong Itim Vol. 2
Subtitle: An Anthology of Short Philippine Horror Stories
Authors: , , , , , , , ,
ISBN: 9789710299539
Language: Filipino
Format: Paperback
Genre: Horror
Date Published:
Publisher: Segundo Matias, Jr.


Mga Nilalaman:
  • 1993
  • 1-10
  • 3 AM
  • 3
  • 09.09.09
  • 10 07 02 31 03 06 2016 2014 2012 20 17 91 45
  • 30 MINUTES
  • 198
  • 3333
  • 3:00

Price: 89.75 php.
URL: https://www.preciousshop.com.ph/products/black-ink/bin00009-librong-itim-volume-2/

Binili ko ito sa nasabing Online Store, tignan ang link sa itaas, kasama ng unang Volume. Kung hindi niyo pa nababasa ang Book Review ko para sa Librong Itim Volume 1, bisitahin lamang ang link na ito: http://www.literateknolohitura.com/2017/08/librong-itim-vol-1-book-review.html

(continue scrolling or click 'Read more')


Advertisement:
Lazada Philippines

librong itim volume 2 rear cover


librong itim volume 2 intro page

librong itim volume 2 ending

librong itim volume 1 & 2 book spine

Kung ano yung kinaganda ng mga gawa sa Volume 1, itong librong ito ang oposisyon. Hindi nag-click sa akin ang mayorya ng mga istorya ng Librong Itim Volume 2. Marami sa kuwento, pilit na inuugnay sa pamagat. Naiugnay naman ng iba pero hindi ganoon kalakas.

Meron, may nag-reference sa Infographic na hindi naman accurate kung pagbabasehan sa teknikal na paliwanag at isa pang ikinadismaya ko ay pinilit pang itagalog yung tawag dun. Hindi ko na nga nagustuhan yung mga naunang kuwento bago iyon, makakabasa pa ako ng ganoon kung saan di ko na tinapos basahin ang kuwento niya.

Malas siguro itong Volume 2, pati sa imprenta ng laki ng aklat, may mali. Sobra siya ng laki kumpara sa unang Volume. Pati ang lapad niya ay di tugma sa naunang Volume. Maliit na puna lang ito pero sinama ko na dahil ang dami kong napupuna sa librong ito sa sobrang dismaya ko.


librong itim volume 1 & 2 wrong size

Pupunahin ko na rin yung cover art design. Kung ako walang kaalam-alam sa librong ito at nakita ko siya sa lokal na Bookstore, malamang sa malamang, isa lang ang binili ko. Unang tingin mo palang sa pamagat ng aklat, hindi mo malalaman kung saan ba diyan ang Volume I sa Volume II? (ito ay kung wala akong kaalam-alam sa Librong Itim)

Hindi man ako nasiyahan at natakot, bilhin niyo pa rin siya para mapagbigyan naman yung mga minoryang magagaling na kuwento na kasama sa librong ito. Hindi ko na babanggitin yung mga kuwento kung saan hindi ko nagustuhan para hindi ko maimpluwensiyahan ang expectations ninyo.

Huling masasabi ko ay kung walang katangi-tanging gawa sa tema, wag na ipilit. Siya nga pala, kada buwan, may temang inilalabas ang Librong Itim. Tema para sundan ng mga magsa-submit ng kanilang likha. Puntahan ang kanilang Facebook page sa - https://www.facebook.com/librongitim/


Bibigyan ko ang librong ito ng score na: 2.5 / 5.0

Salamat!

-




Advertisement:
Lazada Philippines

4 comments:

  1. Kulay at pamagat pa lang takot na ako

    ReplyDelete
  2. Our country has a very rich literature and mythology of horror stories. This would really be a nice read.

    ReplyDelete
  3. I want to check the volume 1 muna

    ReplyDelete
    Replies
    1. Here's my book review for Vol. 1 - http://www.literateknolohitura.com/2017/08/librong-itim-vol-1-book-review.html

      Thanks!

      Delete