Sunday, April 8, 2012

Balam

[Note: Blog post written in Filipino. Skip this post if you don't understand the language.]

Ha?

Ano yung balam? Procrastination sa Ingles. Pagkaantala ng anumang gawain ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino ni  Virgilio S. Almario. Ngayon, alam mo na? Halata naman di ba? Ilang linggo rin ako na di nakapag-tala ng blog dahil sa pagkabalam.

Sa totoo lang marami ako na gustong gawin. Yung mga gawain na nakakasabik pagtuunan ng oras at panahon. Tulad ng pagba-blog, paggawa ng iskrip para sa binubuo naming komiks na ang titulo ay napakabangis na - "Boy Dragon", pag-sulat ng akda para sa isang patimpalak, pagtapos sa hiniram ko na aklat "the curious incident of the dog in the night-time" at "The Catcher in the Rye", at marami pa. Lahat ng nabanggit sa talatang ito ay na-plano na noon pang Enero pa at wala pang natatapos sa mga planong nabanggit.

Tuwing uumpisahan ko na ang nakatakdang gagawin ko para sa oras o araw ay nawawalan ako ng gana at nakakaramdam ako ng antok. Pero pag hihiga na ako para matulog, biglang makakaisip ako ng magandang gawin at mawawala na yung antok ko. Pambihira talaga. Hayyy...

(buntong-hininga)

No comments:

Post a Comment