May-akda: Manix Abrera
Lingwahe: Tagalog / Filipino
Petsa ng Pagkalimbag: Hunyo 2007
Limbagan: VISPRINT, INC.
Komik Book Rebyu:
Unang binili ko ang librong ito, una ko'ng napansin ang pamalat. Napaisip ako, bakit naisipan ng may-akda na piliin ang ganitong . . . di ko ma-eksplika sa sobrang kabaduyan na pamalat ng aklat niyang ito kaya't di ko na pinansin.Hindi ko na ililista ang mga nakakatawang tagpo tulad ng ginagawa ko sa dalawang naunang Kikomachine comic book review ko, yung imbento kong "Tawa-Kahit-Corny-Anticipation sa Pahina" [ dito: Kikomachine Blg. 01 at Kikomachine Blg. 02 ], nakakatamad kasi eh :D
Nabasa ko na ang komiks niya na ito, matagal na, binasa ko lang ulit para sa kapakanan ng magbabasa pa lamang o yung mga may balak pa lang bumili.
Dahil busy rin ako tulad ng maraming , dinadala ko ito sa aking opisina para doon ituloy ang pagbabasa. Tuwing breaktime, dala-dala ko ito habang naglalakad, itutuloy ko basahin habang naghihintay mainin ang iniinit kong baon sa microwave sa opisina. Habang hawak ko ang komiks niyang ito habang naglalakad, pansin ko lang, yung mga ka-opisina kong naka-glue ang pwet sa upuan (8-hours di tumatayo, di muwiwiwi) ay napapalingon sa akin. Huli ko na nang malaman, may nagsabi sa akin, isip-bata raw ako, dahil nakita nila na may hawak akong "CHILDREN'S BOOK" O_O (totoong nangyari). Una ko nang pinagtakhan kung bakit ganoon ang pamalat, doon lamang ako natauhan, na-spoof ako ng aklat niyang it. Pero nang ipinahiram ko, kilala naman pala nila kung sino yung may-akda, di lang siguro sikat kaya di kaagad nila natuklasan :D
Pamalat ng Kikomachine Komix Blg. 3 (mukang babasahin ng toddlers sa unang tingin) |
Ayon lamang. Salamat sa pagbabasa ng review ko. Hanggang sa muli!
I'll ask my niece kung gusto nya to :D
ReplyDeletenaku...ang baduy nga ng pabalat...
ReplyDeleteang pamagat ang ganda
pero di umakma sa cover?
hahaha
nakaaaliw ito....
gawan mo naman ng review yung "12" at yung "Sorrowful Sorrowful Mysteries" hehe yun lang ang meron ako...
ReplyDeleteMakakaasa ka't gagawan ko ng rebyu ang lahat ng kaniyang komiks :)
Deletenabasa ko na din yan! tara bili tayo ng isaw! x_X hehe. Nabasa ko na din yung "Alab ng Puso." Asteeeeeg. :)
ReplyDeletelily's corner
Nahook din ako sa Kiko Machine comics since isa akong animator/ comic artist, kaya nahilig na ako sa pangongolekta ng local comics.. at sa hobby kong yon napatunayan ko na talagang Astig talaga a mga pinoy comic artist!
ReplyDelete