Advertisement:
Librong Itim Vol. 1 Front Cover |
Subtitle: An Anthology of Short Philippine Horror Stories
Authors: Michael G. Velasquez, Josephine G. De Dios, Val Erickson E. Dahilig, Christian Ray Pilares, Johan Eldon Villarojo, Shaira G. Santiago, Geramie T. Torcuator, Sherilyn PeƱafiel, Aira Lou Traquenia
ISBN: 9789710293094
Language: Filipino
Format: Paperback
Genre: Horror
Date Published: September 01, 2016
Publisher: Precious Pages Corporation
Mga Nilalaman:
- Ang Babae Sa Daan
- Ang Third Eye ni Peter
- Car Center Agent
- Have Fun at Midnight
- Ka Elias
- Marka
- One Night Initiation
- ROOM 424
- The Research Club
- Yakap ng Kabilang Buhay
Price: 89.75 php.
URL: https://www.preciousshop.com.ph/products/black-ink/bin00008-librong-itim/
Natuklasan ko ang librong ito sa patimpalak ng Black Ink, isang lokal na manlilimbag sa Pilipinas. Kamakailan lang ay isinali ko ang aking likha sa kanilang patimpalak. Sa kasawiang-palad ay di nakapasa ang isinali ko. Ayos lamang dahil, sa pang-ilang ulit kong basa sa Maikling Kwento na ginawa ko, hindi rin matakot-takot sa gawa ko. Horror genre kasi ang kailangan sa Librong Itim, pangalan ng libro na naglalaman ng iba't-ibang kwento mula sa mga iba't-ibang tao. Hindi requirement ang pagiging journalist or degree sa panitikan, basta't may kuwento kang nakakatakot at kanais-nais alinsunod sa tema na kailangan nila, maaari kang sumali.
At ayun nga, di nakapasok ang entry ko kaya naman bumili na ako ng mismong aklat nila upang basahin ang gawa ng mga nagsilahok para gawin itong inspirasyon at matuto na rin kung paano nga ba gumawa ng Horror Story na patok sa panlasa ng hurado nila.
(continue scrolling or click 'Read more')
Nagustuhan ko ang librong ito. Ngayon lang ako nakabasa ng kuwentong katha na nakakatakot kaiba sa dati kong binabasa na nakakatakot rin na ang pamagat ay True Philippine Ghost Stories volumes na limbag ng limbagang PSICOM (yung madaling masira na libro). Iba sa pakiramdam, alam mo kathang-isip lamang ang Librong Itim, hindi niya pinataas ang balahibo ko sa takot pero humanga ako sa pagkakalikha ng bawat kuwento. Mayorya ng mga kuwento ay maganda at sa ilang kuwento na di ako gaanong namangha, nakita ko naman ang effort nila sa paglikha.
Nagustuhan ko ang twist ng istorya sa ibang kuwento, may reference rin sa Urban Legend ng Creepypasta, meron ring istoryang gawa na ang tagpo ay isang sikat na bundok dito sa Pilipinas, may iba ring nakakatuwa pero pasok pa rin sa Horror genre at iba pang natatanging kuwento na inaliw ako.
Hindi nasayang pera ko sa pagbili nito dahil noong huling buwan ay may promo ang PreciousPages at Free Shipping rin. Balik na sa retail price ang librong ito pero worth it pa rin sa mahigit ochenta pesos. Suportahan natin ang aklat na ito ngayong Buwan ng Wika. Pagyamanin natin ang sariling wika sa pagbabasa ng mga aklat na gawang Pinoy at mababasa sa wikang Filipino.
Ang iskor ko sa librong ito ay: 4.5 / 5.0

Librong Itim Vol. 1 rear cover |

Salamat!
-
Otakore Literantadodist
August 07, 2017
Advertisement:
Interesting book. I collect Filipino books. Tuwang tuwa ako (at kumpleto ang koleksyon ko) sa mga libro ni Bob Ong. I'll definitely check this one- thanks!
ReplyDeleteI love reading short stories before and we do have a very rich tradition when it comes to horror story. This is a good buy.
ReplyDeleteThanks for the review! Filipinos are gifted with so many talents specially in writing. I must definitely try and read this one!
ReplyDeleteAngelo
www.AngeloTheExplorer.com