Tuesday, September 15, 2015

Pagsusuri sa Aklat: Ang Mag-anak na Cruz ni Liwayway A. Arceo

The following book review is written in Filipino. See how you can translate it with your language here.

ang mag anak na cruz front cover liwayway arceo
Mga Detalye:

Pamagat: Ang Mag-anak na Cruz
Pangalawang pamagat: Katha na Pumapaksa sa Pagpapahalagang Pilipino
Linggwahe: Filipino / Tagalog
May-akda:
Tagapaglathala: Ateneo De Manila University Press
Petsa ng Pagkalimbag:
ISBN: 9715500064
Genre: Fiction, Academic



Mga Tauhan:
  • Remy - babaeng asawa ni Tinoy
  • Tinoy - lalakeng asawa ni Remy
  • Baby - panganay na anak nila Remy at Tinoy Cruz
  • June - bunsong anak ng mag-asawang Cruz
  • Petra - katulog ng mag-anak na Cruz

Nabili ko ang aklat na ito sa murang presyo mula sa isang online store sa Facebook. Binili ko siya dahil narinig ko na ang pangalang "Liwayway Arceo". Hindi ko na maalala kung paano ako naging pamilyar sa pangalan ng may-akda. Inisip ko mukhang maganda ito. Hindi naman ako nagkamali kaya heto ang aking rebyu sa aklat na ito.



ang maganak na cruz back cover liwayway arceo 9715500064
Ang Mag-anak na Cruz likurang pamalat

ang mag-anak na cruz book spine liwayway arceo
Ang Mag-anak na Cruz book spine

Maraming kabanata ang aklat na ito pero di nangangahulugan na makapal at matagal siyang basahin. Sa totoo lang, nasa 159 pahina lamang ang libro na kayang-kaya matapos ng isa o dalawang araw. Bawat kabanata ay may katangi-tanging tema ng drama, katatawanan, tradisyong bayan, pamahiin, maganda at baluktot na pananaw na minamana pa rin ng karamihang Pilipino magpasahanggang ngayon.

ang mag-anak na cruz table of content liwayway arceo
Nilalaman ng Ang Mag-anak na Cruz

"Tayo ay isang lipunang may karamdaman." - Sen. Leticia Ramos-Shahani

Naging mas interesante ako sa librong ito nang mabasa ko ang panimula. Ang mga kataga ay kuha sa dayagnosis ng dating Senadorang si Leticia Ramos-Shahani. Namangha ako dahil ayon sa panimulang nakasulat sa aklat na ito, pinag-tutuunan pala ng pansin sa Senado ang nabubulok na moralidad ng ating bansa. Ang pag-aaral na ito ay asikaso ng lupon ng Senado na kaniyang pinangungunahan. (hugot mula sa Philippine Daily Inquirer, ika-29 ng Hunyo 1988; sanggunian - ayon ito sa libro)

"Maraming kabutihang nasa atin, ngunit kailangan ang pagbabago. Maliwanag na ang ating mga katangian ang pinagmumulan din ng ating mga kahinaan." - Patricia Licuanan, Malaya, ika-4 ng Hulyo 1988, Pangulong Tudling, p. 4

May relasyon ang mga nasabing pag-aaral at sipi sa itaas sa kwentong mababasa ninyo sa "Ang Mag-anak na Cruz".

Napansin ko ang agwat ng petsa sa bawat kabanata. Siguro'y ito ang petsa ng pag-ere ng programa sa radyo dati kung saan isinasadula ang mga kwento ng Ang Mag-anak na Cruz. Akala ko, ang mga petsa sa bawat kabanata ay mga tala ng kanilang mga buhay.

Marahil di na umaakma sa ating modernong panahon ang iilan sa mga pananaw at mga lumang kaugalian na mababasa ninyo sa akdang ito, inirerekomenda ko pa rin ito na inyong basahin. Magsisilbi itong pagbabalik-tanaw sa kinalakihang Pilipino at pag-aaral na rin. Sa aking karanasan, buhay pa rin ang iilan sa kinaugalian na pinaksa sa akdang ito. Pinaksa sa isang kabanata ang pamahiin tungkol sa di pag-susuot ng traje de boda o damit pang-kasal sa di tinakdang araw ng kasal. Pamahiin ng matatanda na kapag sinuot mo ang damit pang-kasal sa di tinakdang araw ay di matutuloy ang kasal ninyo magpakailanman.

Naipakita ng isa sa tauhan, si Remy, ang pagka culture shock sa pamahiin. Pagka-bugnot sa mga manloloko at tambay sa kanilang kanto. Nagustuhan ko ang mga bahagi ng kwentong iyon dahil mismong ako nasasaksihan ko rin ang mga nararanasan ni Remy mula sa kwento sa totoong buhay. Siyempre, di lang puro negatibo ang kwentong mababasa ninyo sa aklat na ito kundi may mga masasayang kabanata rin kung saan makikita natin ang mga hamon ng buhay at tipikal na pinagdadaanan ng pagpapamilya at pagsaksi ng mag-asawa sa paglaki ng kanilang dalawang anak. Tunay ngang sumasalamin ang kuwento ng Ang Mag-anak na Cruz sa atin lipunan. Talaga namang kwentong pamilya.


Ang maibibigay ko na puntos sa aklat na ito ay: 4.0 / 5.0



Trivia:

  • si Liwayway Arceo ay isang multi-awarded na manunulat, isang mamamahayag, scriptwriter sa radyo at editor mula sa Pilipinas.
  • si Sen. Leticia Ramos-Shahani ay kapatid ng ika-12 na Pangulo ng Pilipinas na si Fidel V. Ramos (PH Pres. June 30, 1992 – June 30, 1998).
  • noong taong 1979, ang "Mag-anak na Cruz" ay isinasadula sa iba-ibang himpilan ng radyo. Pangunahing bumoses sa mga pangunahing tauhan ng Ang Mag-anak na Cruz ay sina Jay Ilagan, bilang Tinoy at Connie Angeles, bilang Remy.
  • unang nalathala ang Ang Mag-anak na Cruz sa Liwayway noong Abril 26, 1954 - Setyembre 12, 1960. Ang Liwayway ay magasin ng Pilipino na pagmamay-ari na ngayon ng Manila Bulletin Publishing Corporation


-





Talasanggunian:


3 comments:

  1. Ang kasalukuyang pamunuan kaya naiisip din ang nabubulok na moralidad ng ating bansa? Malayo na tayo sa ating pinanggalingan. Para po sa akin, may mga bagay na magaganda noon na di na nagagawa ngayon, at may mga pangit na nangyari noon na hanggang ngayon dala pa rin natin. Magandang magbasa ng makabuluhang mga libro katulad nito.

    ReplyDelete
  2. Ang lipunan natin ay sadyang may karamdaman. Bulok na nga ang moralidad at hindi lang sa Senado o gobyerno yan, pati programang pang pamilya sa telebisyon wala na ding kwenta. Sana mabasa ko din ang librong ito.

    ReplyDelete