Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang front cover |
Pamagat: Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang
Serye ng Aklat: 1
May-akda: Segundo Matias, Jr.
Iginuhit ni: Jomike Tejido
Naglimbag: Lampara Publishing House, Inc.
Petsa ng Pagkalimbag: Nov. 04, 2014
ISBN: 9789715188005
Linggwahe: Filipino
Genre: Fantasy, Horror, Fiction
Since this book is written in Filipino, I'll write this book review in Filipino.
Natuklasan ko ang aklat na ito sa isang advertisement ng lokal na Book shop at pati na rin sa anunsyo ng mga lokal na Book Groups sa Facebook. Kakatwa yung book cover kaya't bumili ako ng kopya sa malapit na suking-bookstore (198.00 php. sa National Bookstore as of Oct. 23, 2016 ; hindi ko sigurado kung naka-diskwento ako dahil Discount Sale noong araw na iyon. 229.75 ang retail price nito na nakalagay sa likod ng libro).
Sa tingin ko, sulit ang presyo niya dahil makapal-kapal yung libro. Hindi tulad ng ibang lokal na limbag na ang halaga ay katumbas na ng mga imported books tapos ang nipis-nipis pa.
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang rear cover |
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang book edge |
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang flap cover |
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang character dictionary |
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang sample page 01 |
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang sample page 02 |
Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang Talasalitaan |
Napapanahon ang kanyang tema. May parteng nakakatawa, nakakatakot at may madugong parte rin. Masasabi kong brutal ang ibang pagsasalarawan sa istorya, tulad ng "Gabi ng dugon".
Kung Filipino ka pa rin at komportable ka sa pag-gamit ng wikang Filipino, mababagayan mo talaga ang librong ito. Nakakatawa ang ibang tauhan, lalong-lalo na ang baklang Tibaro na si Abakay (Nota: ang Tibaro ay lamang-lupa na tawag sa mundo ng mga tao; si Abakay ay isang manananggal). Pati ang pinag-ugatan ng mga pangalan ng tauhan ay nakakatawa rin.
Ang puntos ko sa aklat na ito ay: 3.5 / 5.0
Hindi kataasan at di rin kababaan ang ibinigay kong puntos. Hindi ko kasi nagustuhan ang katapusan ng libro. Para sa akin, biglaan ang mga pangyayari. Madadagdagan ng tanong ang mga mambabasa tungkol sa "Ginto ng Buhay". Siguro magiging paksa pa rin ito sa susunod na serye ng Moymoy Lulumboy.
Gayunpaman, lubos ko pa ring inirerekomendang basahin ninyo ang istorya Moymoy Lulumboy. Nakakatuwa siya, pramis :)
Tivia:
- Maaaring mabasa ng libre ang Moymoy Lulumboy sa opisyal na Wattpad page ng may-akda, sundan ang sumusunod na link sa ibaba:
https://www.wattpad.com/story/13238443-moymoy-lulumboy
Bakit pa ako bibili kung mababasa naman pala ito online ng libre? Yung online version ay walang kasamang ilustrasyon. At tsaka, suportang pampinansyal mo na rin sa may-akda kapag bumili ka ng pisikal na kopya sa inyong lokal na tindahan ng aklat. Hindi kayo magsisisi sa suportang ibibigay ninyo dahil napakaganda ng likha nila. Para patuloy ang kanilang pagsusulat, ituloy lamang natin ang suporta.
Salamat!
-
November 19, 2016
Literateknolohitura.com
Reference:
- Goodreads user review - https://www.goodreads.com/review/show/1775688141
No comments:
Post a Comment