Tuesday, August 22, 2017

Book Review: True Philippine Ghost Stories featuring stories from Spookify, compiled by Eran Arvonio


Advertisement:
Lazada Philippines


true philippine ghost stories spookify front coverTitle: True Philippine Ghost Stories featuring stories from Spookify
Author:
Compiled by: Eran Arvonio
Date Published:
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
ISBN: 9786214140268
Genre: Horror, Non-Fiction, Fiction
Language: Filipino
Format: Paperback

Binili ko ito kasama nung Wattpad book na Hell University, Part 1 sa Online Store ng PSICOM. Tulad ng sinabi sa nakaraang Book Review, na-miss ko ang TPGS o True Philippine Ghost Stories series ng PSICOM.

(continue scrolling or click 'Read more')

true philippine ghost stories spookify rear cover

true philippine ghost stories spookify sample page

true philippine ghost stories spookify sample page 2

Naglalaman ang librong ito ng mga kababalaghan na istorya na isinumite ng iba't ibang tao sa Facebook page ng Spookify. Kung hindi kayo pamilyar sa nasabing pahina, sundan lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/

Kung binigo ako ng librong Hell University, Part 1, itong Spookify na libro naman ang kasalungat. Nasiyahan ako sa librong ito at natakot ako sa ilang istoryang binasa ko. Binabasa ko kasi ito tuwing gabi bago ako matulog para antukin ako. Pero hindi ako inantok, sa halip ay lalo lang akong hindi nakatulog. Kaya tuwing bababa ako ng bahay tuwing gabi kung saan lahat ng tao sa bahay ay tulog na, tumitindig ang balahibo ko dahil naiisip ko yung mga binasa ko. Dagdag takot rin sa akin ang mga nakakatakot na ilustrasyon sa ibang pahina kaya lalo kong naiisip yung mga nabasa kong nakakatakot.

Hindi ko masasabi kung totoo o kathang-isip lamang ang mga isinusumite ng mga tao sa Spookify. Gayunpaman, magaganda ang mga kuwento nila.


Hindi ako binigo ng librong ito sa sa dapat iparanas nito sa mambabasa kaya naman bibigyan ko ito ng iskor na: 4.0 / 5.0

Kung gusto niyo rin basahin ang aklat na ito, mabibili ito sa sumusunod na link:

http://psicom.ocnk.biz/product/1152

Salamat!

-



Advertisement:
Lazada Philippines

No comments:

Post a Comment