Saturday, September 16, 2017

Lit News: Moymoy Lulumboy 4 Book Launch (September 16, 2017)

moymoy lulumboy book 4 front cover with freebiesIkinalulugod ko na naimbitahan ako sa book launching ng Moymoy Lulumboy book 4 ni Mr. Segundo Matias, Jr. o mas kilala sa tawag na Kuya Jun. Ang pamagat ng bago niyang libro ay Moymoy Lulumboy Book 4 - "Mga Dulot ng Digmaan". Ang librong ito ay kasunod ng nasabing serye.

Ang Moymoy Lulumboy ay Young Adult at Fantasy book na pinagbibidahan ng nasabing pangalan - si Moymoy Lulumboy. May mga tauhan ito na may kaugnayan sa Filipino Myth at magkapanabay ang mga pangyayari sa modernong panahon.






Ito ang synopsis ng book 4:
"Nagtagumpay si Moymoy na mabawi ang lahat ng Ginto ng Buhay sa tulong ng kapatid na si Alangkaw. Sa wakas, mapapawi na ang sumpa sa mga tibaro. Nagdiwang ang lahat pero sa mismong gabi ng selebrasyon ng mga tibaro, naging kulay-dugo ang mukha ng buwan...
Hindi pa rin tapos ang gabi ng dugon! Hindi napawi ang sumpa?"

Mag-aapat na taon na ang serye at malinaw naman na pang-apat ang "Mga Dulot ng Digmaan". Siyempre, hindi magiging matagumpay ang serye kung wala ang buong team na tumulong buuin ang nasabing aklat (larawan sa ibaba):

moymoy lulumboy production team photo op
Team sa likod ng Moymoy Lulumboy

Nakaka-engganyo rin ang maikling dula na itinanghal ng PETA theater group kanina bilang balik-alaala sa unang serye ng Moymoy Lulumboy. Dahil nakaka-engganyo ang ipinamalas ng mga nagtanghal, naitanong sa sumunod na Q&A kung isasapelikula ba ang Moymoy Lulumboy. Sinagot naman ito ng may-akda na pag-uusapan nila ang tungkol dito.

moymoy lulumboy theater play
Moymoy Lulumboy Stage Play by PETA Theater group

moymoy lulumboy by peta theater group

moymoy lulumboy theater actor and actress
Ang mga nagsipag-ganap sa maikling Stage Play ng Moymoy Lulumboy - PETA Theater group

Base sa Q&A mula sa grupo ng Press kanina at sagot ng may-akda, walang eksaktong bilang kung saan magtatapos ang serye ng Moymoy Lulumboy. Umasa na rin tayong mga mambabasa na sa susunod na taon ay may bago ulit sequel ang Moymoy Lulumboy. Kada taon, may isang taong hakbang rin sa edad ni Moymoy. Dagdag pa ni Kuya Jun na magpapatuloy ang sequel hangga't bata pa si Moymoy kung saan makaka-relate ang target audience na mga bata at young adults (ang impormasyong ito ay nakalap sa Q&A kanina sa book launching). Sa mga mambabasa na nag-iisip rin kung hanggang saan matatapos ang sequel ng book na ito, marahil matatapos ito kapag malapit na maging adult si Moymoy.

Habang nagpapa-sign ako kanina, tinanong ko si Kuya Jun kung may balak ba sila na maglimbag ng Hardcover format ng Moymoy Lulumboy dahil nagagandahan ako sa cover art ng libro. Pinag-uusapan pa nila ang tungkol dito.

autographed moymoy lulumboy book 4
Moymoy Lulumboy book 4 signed by Segundo Matias Jr.

moymoy lulumboy book 4 signed by jomike tejido
Moymoy Lulumboy book 4 signed by Jomike Tejido

literateknolohitura owner with jomike tejido
Literateknolohitura owner with Jomike Tejido

literateknolohitura owner with segundo matias jr
Literateknolohitura owner with Segundo Matias Jr.

Mabibili ang Moymoy Lulumboy Book 4 sa halagang 239.75 php. Sa ngayon, available pa lamang ito sa booth ng Precious Pages sa Manila International Book Fair 2017, SMX Convention Center, Pasay City, Metro Manila (from Sept. 16 - 17, 2017). Magiging available na ito sa mga kilalang Book Shops sa susunod na mga araw o linggo.


Salamat!


1 comment:

  1. I've heard this Moymoy Lulumboy book, and it captured young audience, but not my genre in reading book of this kind. I'll try to acquire one to explore the essence of the writer's reflection and thoughts. Thanks

    ReplyDelete