Saturday, September 29, 2018

Book Review: Gagamba, a novel by F. Sionil José

gagamba by f sionil jose front cover artTitle: Gagamba
Author:
ISBN: 9789718845592
Publisher: Solidaridad Publishing House
Published date:
Language: English
Genre: Society, Drama, Historical Fiction, Filipiniana

I've been wanting to read a F. Sionil José title (any) back in the days of my college. That's a decade ago. It's just this year, I got a copy, a very premium and signed copy bought at Anáhaw Books. You may check their online bookshop at this link:
https://www.anahawbooks.com/

So let's head to the real review:

Saturday, September 22, 2018

Book Review: SEEN 1:43 AM (Extended Edition) | librong isinulat ni Rhadson Mendoza

seen 143 am front coverTitle: Seen 1:43 AM
Author:
ISBN: 9786214140244
Edition: Extended Edition
Language: Filipino
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Published date:
Genre: Drama

* SLIGHT SPOILER ALERT

Muntik ko na hindi tapusin ang librong ito dahil naiinis ako sa takbo ng kwento. At naasiwa ako sa halos umabot na daang pahina ng World Guiness Record na lambingan-at-away ng dalawang tauhan na si Rhaine at Klarissa.

Binili ko ito sa Shopee shop ng PSICOM at nakuha ng pamalat nito ang atensyon ko. Akala ko talaga nung una, nakakatakot ang kwento nito o nasa thriller genre ito kasi nga madilim yung cover art. Bakit ko pa binili? Hindi ako nag-pre-pre read ng mga reviews at plot dahil ayaw kong maapektuhan nito ang aking views at opinyon sa babasahin kong libro samakatwid ayokong nai-spoil ako. Gusto ko ma-surpresa!

Umabot ako sa pahina 90-something, at puro lambingan at nakakasakal na messaging ng lalaking tauhan doon sa girlfriend niya ang nabasa ko. Naghihinuha ako e, kung ano ba yung 1:43 AM sa kwento. Sa parteng iyon ko lang na-realize talaga na wala yung ine-expect ko na kidnapping scene, patayan scene, o paranormal scene. Talagang drama genre nga ito. Kasi nga akala ko talaga horror o thriller genre siya. Nang dahil dun, itinuloy ko pa rin ang pagbabasa hanggang matapos. Gusto rin ma-obserbahan ang kanilang sitwasyon.

Hilig ko rin naman pag-o-obserba sa behaviour/pag-uugali ng mga tao tulad ng nasa kwento. Mapapatanong ka, may ganito pala ano? Yung Long Distance relationship at yung isa pa na makipag-relasyon sa babae na hindi naman sigurado sayo.

Yung parte ng kwento kay Lia, "a day" lang sinagot yung pangunahing tauhan, grabe na maka-kandado sa babae. "A day" ka lang sinagot, hindi ko sinasabi na mali o tama ang grabeng pagmamahal, mahirap timbangin yan, pero "a day" ka lang sinagot, sobra ang pag-aalala ng pangunahing tauhan para kay Lia. Nakikita ko na tunay at agad-agad ang pagmamahal ang pangunahing tauhan pero "a day" lang siya sinagot. Paulit-ulit ako ano? Uulitin ko "a day" lang siya sinagot ng 'i love you', ni hindi man nag-alangan si Rhaine kung solid ba yung 'I love you' kasi sinabihan siya na pupuntahan ni Lia yung Ex niya. Siguro totoo yung kasabihan o nangyayari na "nakakabaliw ang pag-ibig".

Nainis man ako sa pangunahing tauhan, love interest niya, at takbo ng kwento, hindi ko rin maitatanggi na dumaan rin ako sa pagkakataon na baliw rin ako sa pag-ibig noon. Yung akala ko tama ako at wala naman akong ginagawang mali. Pero nang tumanda na at binabalikan ko ang mga ala-alang ginawa ko, napagtanto ko na ang selfish ko pala. Inunawa ko rin dapat siya kung bakit pero hindi natin magagawa iyon sa sitwasyon na nasasaktan ka rin. Hindi naman itinuro ang Love 101 sa school e. Paano nga ba natin malalaman kung tama o mali ang ginagawa natin pagdating sa pag-ibig? Hindi ko inihahalintulad yung love life ko dati sa mga tauhan ng kwento, pero nangyayari naman talaga yan. Yung akala mo wala kang mali pero meron, meron, meron. Hindi mo nga lang natin makikita kasi baliw na tayo sa pag-ibig. Kaya tanging sarili lang natin ang makakaunawa ng mga pagkakamali natin, hindi man kaagad sa kasalukuyan, maaaring sa hinaharap pa. Matatawa na lang tayo kapag nagbalik-tanaw sa atin ang mga nangyari.


Hindi ko na masyadong papahabain pa. Ito ang grado ko sa librong ito, kalahati: 2.5 / 5.0

Hanggang sa matapos, may inaasahan pa akong aral na iiwan yung pangunahing tauhan na si Rhaine pero hindi ko siya inasahan. Sadyang closure lang.

Ang "Seen 1:43" ay maituturing kong specimen o materyal para sa behavioural study ng mga mag-aaral ng Sikolohiya. Kaya inirerekomenda ko ito kung gusto niyo obserbahan at pag-aralan ang klase ng sawing pag-ibig nila.


seen 143 am rear book spine

Maraming salamat!

-




Wednesday, September 19, 2018

Book Review: Sa Tuwing Nag-iisa | A Filipino Horror Collection written by justarlo

sa tuwing nag-iisa by justarlo front coverTitle: Sa Tuwing Nag-iisa
Author:
ISBN: 9786214140091
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Publication date:
Language: Filipino
Genre: Horror, Fiction

Nadiskobre ko ang author ng librong ito sa isa pang nakakatakot na libro na ang pamagat ay "The Dark Files", ito'y antolohiya ng mga nakakatakot at madilim na kwento. Isa siya sa sumulat ng nasabing libro. At sa kaniyang aklat na "Sa Tuwing Nag-iisa", solo siyang may-akda nito.

Para sa rebyu ko ng "The Dark Files", sundan ang link na ito:
- https://www.literateknolohitura.com/2018/06/the-dark-files-book-review.html

Matatandaan na sa aking rebyu sa "The Dark Files", mixed ang aking reaksyon dahil ilan lang ang nagustuhan ko sa mga kwentong nakapa-loob rito, sa kadahilanan na rin na iba-iba ang author nito at mga kwento. Pero para sa "Sa Tuwing Nag-iisa", iba-iba man ang mga kwentong nakakatakot at iisa lang ang may-akda, masasabi kong napa-bilib ako ng aklat na ito. Marami sa kwentong nakakatakot ni JustArlo ay tunay na nakakatakot at napataas talaga ang aking balahibo habang binabasa ko iyon. Lalo na yung hinugot niyang kwento tungkol sa sleeping quarter ng Call Center kung saan may nakapag-kwento na rin sa akin na magkahalintulad na karanasan. Kung ano man iyon, hindi ko kayo ii-spoil, kayo na lamang ang humusga sa pamamagitan ng pagbili niyo ng librong ito, bilang suporta na rin sa mga Filipino authors natin tulad ni JustArlo.

Ang grado ko sa librong ito ay: 3.9 / 5.0


sa tuwing nag-iisa by justarlo rear cover


Maraming salamat!

-





Tuesday, September 18, 2018

Book Launch: Moymoy Lulumboy Book 5 - Ang Lihim ng Libro | Nobela ni Segundo Matias, Jr. at sa ilustrasyon ni Jomike Tejido

momoy lulumboy 5 ang lihim ng libro front cover
Ginanap ang book launch ng ika-5 libro ng Moymoy Lulumboy noong nakaraang Biyernes, Septiyembre 14, 2018. Ang ika-limang libro ay pinakapamagatang "Ang Lihim ng Libro". Ito'y nobelang isinulat ng Palanca-awardee na si Segundo Matias, Jr. at sa ilustrasyon ng award-winning artist na si Jomike Tejido.

Dinaluhan ito ng mga bisita mula sa iba't ibang mga media.

Bago ang Q&A sa book launch, nagpresenta muna ng maikling dula ang mga miyembro ng Philippine Educational Theater Association (PETA). Pinagbidahan ito ng batang aktor na si Noel Comia Jr. (bilang Moymoy Lulumboy). Masusulyapan ang bahagi ng naganap na dula sa ibaba:



Base sa Q&A kay na si Kuya Jun (Segundo Matias, Jr. / ang may-akda), asahan na mas magiging kapana-panabik ang kwento ni Moymoy sa bagong librong ito. Mapapansin na rin na may pagka-dilim na ang istorya sa nakaraang libro, ano pa kaya sa pang-lima? Mapupukaw kayang muli ang damdamin ng mambabasa? O may mangyayari na di-aasahan na ikakagulat natin sa librong ito?

noel comia with moymoy lulumboy book 5
Young Actor Noel Comia Jr. with Moymoy Lulumboy book 5

Matatandaan rin ang balita na nagpirmahan ng kontrata ang ABS-CBN at ang Lampara Books noong umpisa ng taong 2018 para sa pag-aari ng Moymoy Lulumboy, sa posibleng TV show series nito sa nasabing TV channel. Sundan ang kaugnay na balita sa link na ito:
- https://lamparabooks.wordpress.com/2018/01/04/moymoy-lulumboy-now-a-kapamilya/

Naitanong rin ito ng mga media, ang pagsasa-telebisyon ng Moymoy Lulumboy, ayon kay Kuya Jun, hindi pa nag-uumpisa ang produksyon nito at hindi pa nagsisimula ang audition para sa mga tauhan ng libro, quote: ".. alam mo naman ang showbiz."

momoy lulumboy 5 author with members of peta
Members of PETA with Segundo Matias Jr. and illus. Jomike Tejido

Sanhi na rin ng mga tanong mula sa iba't ibang mga media, nagkaroon rin ng ideya ang team ng Lampara Books para sa posibleng paglilimbag ng English edition ng mga naunang parte ng libro. Para maabot ang mga mambabasa na di-tubong Filipino. Kung kailan? Abangan na lang ang balita sa Facebook page ng Lampara Books; sundan ang link sa ibaba:
- https://www.facebook.com/lamparabooks

Mabibili ang Moymoy Lulumboy Book 5 - Ang Lihim ng Libro sa halagang 265.00 php. (est.) sa mga major bookstores. Asahan ang pagkalat ng mga kopya nito isang linggo bago matapos ang buwan.

Maraming salamat!

Thursday, September 6, 2018

Book Review: Men Are From QC, Women Are From Alabang | written by Stanley Chi

Title: Men Are From QC, Women Are From Alabang
Author:
ISBN: 9789710573707
Date Published:
Publisher: PSICOM
Language: Filipino
Genre: Humor, Self-help, Do-it-yourself, DIY

men are from qc women are from alabang rear covermen are from qc women are from alabang front cover


Pamilyar ang pagkaka-pamagat ng librong ito sa librong "Men Are from Mars, Women Are from Venus". Hindi ko pa nababasa ang nasabing libro. Nakikita ko yung book na yun dati-rati na laging naka-sale sa Booksale.

Natuwa naman ako sa librong ito. Na-dig ko ang humor. Ibinahagi sa aklat na ito ang mga katotohanang ayaw o gustong marinig ng opposite sex vice versa pati na rin ang mga tanong kung bakit ganoon sila sa isa't isa. Pansin ko lang, mas nananaig ang mga ideya na panlalaki kaysa sa pambabae. Dapat balanse para suportahan ang title ng libro.

Ang hindi ko lang nagustuhan sa librong ito ay ang mga comic strips, ang korni kasi. Yung mga niyaya mong tauhan para gumanap sa mga comics, nakikita ko sa mga kaluluha nila na napapapayag lamang sila dahil sa Law of Attraction ng author (wow magic).

Nang dahil sa librong ito, naging curious rin ako at gusto ko tuloy hanapin ang librong "Men Are from Mars, Women Are from Venus". Siguro'y maganda ang librong iyon dahil matagumpay ang librong "Men Are From QC, Women Are From Alabang".


Ang grado ko sa librong ito ay: 3.5 / 5.0

Salamat!

-




Other Reference:



Buy related books at: