Saturday, September 22, 2018

Book Review: SEEN 1:43 AM (Extended Edition) | librong isinulat ni Rhadson Mendoza

seen 143 am front coverTitle: Seen 1:43 AM
Author:
ISBN: 9786214140244
Edition: Extended Edition
Language: Filipino
Publisher: PSICOM Publishing Inc.
Published date:
Genre: Drama

* SLIGHT SPOILER ALERT

Muntik ko na hindi tapusin ang librong ito dahil naiinis ako sa takbo ng kwento. At naasiwa ako sa halos umabot na daang pahina ng World Guiness Record na lambingan-at-away ng dalawang tauhan na si Rhaine at Klarissa.

Binili ko ito sa Shopee shop ng PSICOM at nakuha ng pamalat nito ang atensyon ko. Akala ko talaga nung una, nakakatakot ang kwento nito o nasa thriller genre ito kasi nga madilim yung cover art. Bakit ko pa binili? Hindi ako nag-pre-pre read ng mga reviews at plot dahil ayaw kong maapektuhan nito ang aking views at opinyon sa babasahin kong libro samakatwid ayokong nai-spoil ako. Gusto ko ma-surpresa!

Umabot ako sa pahina 90-something, at puro lambingan at nakakasakal na messaging ng lalaking tauhan doon sa girlfriend niya ang nabasa ko. Naghihinuha ako e, kung ano ba yung 1:43 AM sa kwento. Sa parteng iyon ko lang na-realize talaga na wala yung ine-expect ko na kidnapping scene, patayan scene, o paranormal scene. Talagang drama genre nga ito. Kasi nga akala ko talaga horror o thriller genre siya. Nang dahil dun, itinuloy ko pa rin ang pagbabasa hanggang matapos. Gusto rin ma-obserbahan ang kanilang sitwasyon.

Hilig ko rin naman pag-o-obserba sa behaviour/pag-uugali ng mga tao tulad ng nasa kwento. Mapapatanong ka, may ganito pala ano? Yung Long Distance relationship at yung isa pa na makipag-relasyon sa babae na hindi naman sigurado sayo.

Yung parte ng kwento kay Lia, "a day" lang sinagot yung pangunahing tauhan, grabe na maka-kandado sa babae. "A day" ka lang sinagot, hindi ko sinasabi na mali o tama ang grabeng pagmamahal, mahirap timbangin yan, pero "a day" ka lang sinagot, sobra ang pag-aalala ng pangunahing tauhan para kay Lia. Nakikita ko na tunay at agad-agad ang pagmamahal ang pangunahing tauhan pero "a day" lang siya sinagot. Paulit-ulit ako ano? Uulitin ko "a day" lang siya sinagot ng 'i love you', ni hindi man nag-alangan si Rhaine kung solid ba yung 'I love you' kasi sinabihan siya na pupuntahan ni Lia yung Ex niya. Siguro totoo yung kasabihan o nangyayari na "nakakabaliw ang pag-ibig".

Nainis man ako sa pangunahing tauhan, love interest niya, at takbo ng kwento, hindi ko rin maitatanggi na dumaan rin ako sa pagkakataon na baliw rin ako sa pag-ibig noon. Yung akala ko tama ako at wala naman akong ginagawang mali. Pero nang tumanda na at binabalikan ko ang mga ala-alang ginawa ko, napagtanto ko na ang selfish ko pala. Inunawa ko rin dapat siya kung bakit pero hindi natin magagawa iyon sa sitwasyon na nasasaktan ka rin. Hindi naman itinuro ang Love 101 sa school e. Paano nga ba natin malalaman kung tama o mali ang ginagawa natin pagdating sa pag-ibig? Hindi ko inihahalintulad yung love life ko dati sa mga tauhan ng kwento, pero nangyayari naman talaga yan. Yung akala mo wala kang mali pero meron, meron, meron. Hindi mo nga lang natin makikita kasi baliw na tayo sa pag-ibig. Kaya tanging sarili lang natin ang makakaunawa ng mga pagkakamali natin, hindi man kaagad sa kasalukuyan, maaaring sa hinaharap pa. Matatawa na lang tayo kapag nagbalik-tanaw sa atin ang mga nangyari.


Hindi ko na masyadong papahabain pa. Ito ang grado ko sa librong ito, kalahati: 2.5 / 5.0

Hanggang sa matapos, may inaasahan pa akong aral na iiwan yung pangunahing tauhan na si Rhaine pero hindi ko siya inasahan. Sadyang closure lang.

Ang "Seen 1:43" ay maituturing kong specimen o materyal para sa behavioural study ng mga mag-aaral ng Sikolohiya. Kaya inirerekomenda ko ito kung gusto niyo obserbahan at pag-aralan ang klase ng sawing pag-ibig nila.


seen 143 am rear book spine

Maraming salamat!

-




No comments:

Post a Comment