Tuesday, October 2, 2018

Book Launch: Mga Batang POZ | Young Adult na Nobelang Pumapaksa sa HIV/AIDS

Ginanap ang book launch ng bagong nobela ni Segundo Matias, Jr. noong nakaraang Biyernes, Septiyembre 28, 2018 sa Precious Pages Event Center, Quezon City, Philippines. Ang bago niyang nobela ay pinamagatang "Mga Batang POZ". Ito'y pang Young Adult na libro na pangunahing pumapaksa sa HIV/AIDS. Matatandaan na ilang linggo lang ang nakalipas bago nito, nagkaroon rin siya ng isa pang book launch noong Septiymbre 14, 2018, ang ika-5 book ng Moymoy Lulumboy.

[ sundan ang kaugnay na balita tungkol sa coverage ng Moymoy Lulumboy bk. 5 sa ss. na link: https://www.literateknolohitura.com/2018/09/moymoy-lulumboy-5-ang-lihim-ng-libro-book-launch.html ]

Dinaluhan ang "Mga Batang POZ" book launch ng mga kaibigan sa media, mga manunulat, at espesyalista sa naturang sakit na HIV/AIDS.

Panoorin ang maikling video na ito, ang coverage ng "Mga Batang POZ" book launch:
https://www.facebook.com/Literateknolohitura/videos/539994716450898/

Unang nagbigay na paunang-salita si Dra. Rossana Ditangco, MD ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Department of Health. Nagbigay siya ng maiksing panimula tungkol sa HIV/AIDS, sa kung ano na ba ang estado nito sa ating bansa.

Sa aking pagkakaalala, huling balita ko tungkol sa datus ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS ay noon pang Hulyo 08, 2018, para sa kaugnay na balita, basahin ang artikulo ng CNN Philippines sa sumusunod na link: http://cnnphilippines.com/news/2018/07/03/DOH-HIV-deaths-2018.html

Pangalawang nagbigay panimula ay si Mr. Eugene Y. Evasco na isang Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan, sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Siya ang naging tagapayo ni Segundo Matias, Jr. sa pag-sulat ng akdang "Mga Batang POZ". Ang totoo niyan, ang librong "Mga Batang POZ" ay parte ng pag-aaral ni Mr. Segundo Matias sa kaniyang Masteral Thesis.

segundo matias during q and a for mga batang poz
Mr. Segundo Matias, Jr. during the Q&A portion

At nang dumako na sa Q&A, matapang na sinagot ni Mr. Segundo Matias ang mga katanungan tungkol sa kaniyang bagong libro.

Una niya/nilang binalak na gumamit ng alternatibong pen name sa librong Mga Batang POZ, sa ngalan ng JM Matias dahil nga kilala siyang may-akda ng mga pambatang libro sa tunay niyang pangalan, pero sabi niya kung ang layon ay patayin ang stigma sa mga taong may sakit na HIV/AIDS, bakit niya pa itatago ang pangalan niya sa alternatibong pangalan? Kaya naman lakas loob na niyang ginamit ang tunay niyang pangalan bilang may-akda ng librong ito imbes na JM Matias.

Naitanong rin kung handa ba siya sa backlash na matatanggap niya kapag napansin na ito ng Simbahang Katoliko, mga relihiyoso't mga konserbatibo. Batid naman niya na ang bansang Pilipinas ay bansang Kristiyano samakatwid konserbatibo ang mga tao. Lakas loob niyang sinabi na handa siya.

Naikwento rin niya nang bumisita siya sa isang pasilidad na nag-a-alok ng Free Testing for HIV/AIDS, yung mga nakapila, nakasuot ng face mask. Nakasuot sila ng face mask para sa kanilang pribasiya. Ito ang naging reference para sa art cover ng kaniyang libro. Tignan ang pamalat ng "Mga Batang POZ" sa ibaba:


Mabibili ang librong "Mga Batang POZ" sa halagang 299.75 pesos, sa lahat ng Precious Pages bookshops at kanilang online shop -> https://preciousshop.com.ph/products/lya00001-mga-batang-poz/

At mabibili rin ito sa mga major bookstores tulad ng National Bookstore sa susunod na mga linggo.

Salamat!



Further Reference:

No comments:

Post a Comment