Sunday, October 7, 2018

Book Review: Moymoy Lulumboy Book 3 - Ang Paghahanap Kay Inay

moymoy lulumboy ang paghahanap kay inay front cover
Title: Moymoy Lulumboy Ang Paghahanap Kay Inay
Author:
Serye Bilang: 3
Illustrator: Jomike Tejido
Published date:
Publisher: Lampara Publishing House, Inc.
ISBN: 9789715188517
Language: Filipino
Genre: Fantasy, Fiction, Adventure, Philippine Mythology

To read the full non-spoiler book review, continue scrolling down or click the 'Read more'..


moymoy lulumboy ang paghahanap kay inay rear cover

moymoy lulumboy ang paghahanap kay inay autographed by segundo matias
Signed by Segundo Matias, Jr.

moymoy lulumboy ang paghahanap kay inay sample illustration of mythological creature
Bungisngis at Bakaunawa - dagdag ilustrasyon sa huling bahagi ng libro

moymoy lulumboy ang paghahanap kay inay sample illustration of a dragon
Damugong

moymoy lulumboy ang paghahanap kay inay liliw versus buhawan
Si Apong Liliw (kaliwa) laban kay Buhawan (kanan)

moymoy lulumboy ang paghahanap kay inay signed by jomike tejido
Signed also by Jomike Tejido, illustrator of the book

Sa pagpapatuloy ng pakikipagsapalaran ni Moymoy, dito sa aklat bilang pangatlo, mas naging matindi ang mga pagsubok na kinaharap niya. Iba sa nauna't pangalawang libro, mas agresibo at medyo brutal na ang mga kalaban niya ngayon. Matatandaan sa huling libro bago nito, nabulgar ang kanilang pagkakakilanlan bilang mga Tibaro. May mga nakakita kasi sa kanilang mga tao o buntawi. Kung babalikan natin, naging mas kapana-panabik ang huling yugto ng librong iyon (book 2) dahil maiisip mo, kilala na sila ng mga tao na totoo talaga sila. Sa librong ito masasagot ang kahahantungan nilang mga tibaro ukol sa pagkabunyag nila sa mga taong nakasaksi.

Susurpresahin ka ng librong ito, may magbabalik. At kung may magbabalik, mayroon ring mawawala. Magugulat ka sa pangyayari.

Dumating rin sa punto ng istorya, naitanong ko, paano pa kaya malalagpasan ni Moymoy ang mga ginawa ni Buhawan sa kabanatang ito? Nakuha nito ang aking damdamin, sabi ko: napakasakim talaga ni Buhawan sa mga ginawa niya, bagay na bagay talaga ang pangalan niya sa kanya, napaka-gahaman. Naawa ako sa dinamay niya, nainis ako sa kanya. Ang totoo niyan, hindi lang siya ang gahaman sa librong ito, pati ang buntawing pinag-kalooban niya ng Ginto ng Buhay, napaka-gahaman. Miski sa totoong buhay, marami rin ang gahaman, lalong lalo na ang mga tao sa politika, napaka-GAHAMAN!

Sa librong ito, masusubukan ka rin sa tanong na: ano ang pipiliin mo, kapangyarihan para protektahan ang nakakarami o ang buhay ng mahal mo?

Sa huli'y pinakita ng aklat na ang pagiging gahaman ang magdadala rin sa iyo sa kapahamakan. At hindi magwawagi ang kasamaan.



Ang grado ko sa librong ito ay: 4.0 / 5.0

Salamat!

-



Errata at iba pang puna:
Ang kopyang ito na nakitaan ng errata at iba pang puna ay pangalawang limbag ng unang edisyon, 2016. Gawa at limbag sa Maynila, Pilipinas:

- page 100 - Caroina *nawawalang 'l'

- page 133 - ilustrasyon *masyadong graphic para sa children's book

- page 182 - Kagaguhan! *sensura para bulgar na salita


No comments:

Post a Comment