Advertisement:
Ang Bagong Krusada front cover |
May-akda: Juan Bautista
ISBN: 9786214140534
Linggwahe: Filipino
Limbagan: PSICOM Publishing Inc.
Petsa ng Pagkalimbag: 2016
Genre: Filipiniana, Fiction
Nag super sale noong nakaraang buwan ng 11.11 ang PSICOM sa Shopee at sa halagang 300 pesos ay marami na akong nabili. Sa totoo lang nahirapan ako sa pamimili dahil tanging pamilyar lang sa akin ay yung True Philippine Ghost Stories series na mga aklat nila. At pinili ko rin yung mabiling libro nila na ay yung may-akda ay originally nagsulat from Wattpad.
Ang Bagong Krusada rear cover |
Hindi ko bibilhin Ang Bagong Krusada kung di dahil sa kapansin-pansing pamalat nito at siyempre sa mismong pamagat niya. Wala akong pangunahing ideya kung sino man ang may-akda nito. Hindi siya pamilyar sa akin. Mas pamilyar pa sa akin yung blurb ni Norman Wilwayco sa likod ng libro. Note, si Norman Wilwayco ay may-akda ng Gerilya at iba pang natatanging istorya; nagkamit rin siya ng parangal sa Palanca. Talagang sinubukan ko lang basahin ito tulad ng pagsubok ko sa mga Wattpad books na nililimbag ng PSICOM. Nag-iingat na rin kasi ako sa pamimili kasi ampang.. ang ibig ko sabihin, hindi ko nagustuhan yung kamakailan na nabili kong Wattpad-based na libro na ma-cheesy at hindi naaakma na babasahin sa edad kong ito (na batang bata pa).
Hindi ako binigo ng Ang Bagong Krusada. Nagustuhan ko ang istorya niya. Ito kasi ang hinahanap kong estilo ng pagsusulat. Yung tono ay seryoso at wasto rin ang pagkakasulat. Maaksyon siya at hindi nakakatamad basahin. May pagka-biblical siya pero wag niyo isipin na masyadong relihiyoso ang librong ito. Parte lang talaga siya ng balangkas dahil nga, malinaw naman, may palagay naman siguro kayo kung ano yung "krusada" ng Kristyanismo.
Ang score ko sa librong ito ay: 3.7 / 5.0
Kung gusto niyo bilhin ang librong ito, mabibili siya sa sumusunod na mga links:
Salamat!
-
Otakore Literantadodist
December 19, 2017